Rated SPG-18
Three hours before she turned twenty-eight, isinuko ni Evangeline ang kanyang pagkababae sa isang estranghero para lang patunayan sa sarili na hindi siya frigid. Na may kakayahan din siyang mag-init na katulad ng isang normal na babae...
"MY, that guy is hot. He's oozing with testosterone."
Sinundan ng tingin ni Evangeline ang direksyong tinitingnan ng kaibigang si Krista. Muntik na siyang mahirinan nang mapagsino ang lalaking tinutukoy nito. The man is no other than Redentor Madrid!
Napayuko siya at kulang na lang ay magtago sa ilalim ng mesa. Of all places ay kung bakit naman doon pa sa hotel na iyon nagyaya ang kaibigan niyang mag-lunch. Mukhang may importante ring luncheon meeting si Mr. Madrid sa mga naka-coat and tie na tatlong lalaki sa mesang ino-okupa ng mga ito. Malayo kaysa karamihan ang mesa ng grupo nito. Gayunma'y hindi pa rin ito nakaligtas sa mapagmasid na mga mata ng kanyang kaibigan. Kunsabagay ay parte iyon ng trabaho ni Krista bilang isang talent scout.
At kahit mukhang balewala na sa lalaki ang namagitan sa kanila ng gabing iyon ay hindi niya pa rin maalis sa sarili ang makaramdam ng pagkailang kapag nakikita ito.
It was her first time, after all. She let a total stranger popped her cherry. What could he possibly be thinking of her after that night? Binigyan siya ng tapang ng alkohol ng gabing iyon. Ngunit pagkatapos na maghulas ang tama ng alak ay lumipad na rin ang tapang niya na harapin ang kunsekuwensya ng kanyang kapusukan.
Mabuti na lamang at hindi siya fertile ng gabing iyon. At wala ring sakit ang lalaking nakatalik niya kaya walang naging mabigat na repercussions ang namagitan sa kanila.
"Do you think papayag siya kung aalukin ko siyang maging modelo? I think puwedeng-puwede siya sa men's underwear. With a face like that, I bet he's got a gorgeous bod. I could almost picture him in a Calvin Klein underwear. Or better yet, without anything at all."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tukso namang malinaw na gumuhit sa imagination ni Evangeline ang larawang iginuhit ng kaibigan. Ipinilig niya ang ulo at dagling itinaboy ang kaakit-akit na imahe.
Expel!
Tila iyon masamang espiritu na pinilit niyang itaboy sa isipan.
"He's rich, I don't think he'll need an extra cash to fatten his already fat bank account," aniya na lang sa kaibigan.
"You know him?"
"He's friends with Zechariah Lee Sandejas. Vincent's older brother? Does it ring a bell?"
Parang nakatikim ng apdo ang kaibigan niya. Biglang pumait ang ekspresyon ng mukha nito. She had a feeling na may history ito at ang kilalang international model na si Vincent. Hindi lang ito palakuwento kaya hindi niya alam kung ano ang pinag-ugatan ng galit nito sa naturang modelo.
Mag-ex kaya ang mga ito? Bahagya niyang sinipat ng tingin ang kabuuan ni Krista. Mula sa black rimmed eyeglasses nito, gypsy skirt na hanggang sakong, ankle-length boots at loose top. Sa isip ay lihim na napangiwi ang dalaga. Malabo.
Vincent is too glamorous para magkagusto ito sa kaibigan niya. Not that she's not pretty or anything. But her best friend is on the nerdy side. But what are the odds, right?