Haunting Past

178K 3.2K 117
                                    

Chapter Two

"I'M telling you, I will marry you someday," maangas na sabi ni Maddy sa anak ni Zeke.

Naaaliw si Red sa panonood sa dalawang bata.

"Ayoko sa'yo!" mataray namang sagot dito ng batang si Samantha.

"You'll change your mind."

Nagkatawanan na lang sila. Nang makita ni Zeke na parang maiiyak na ang anak ay kaagad nito iyong binuhat.

"Don't worry, sweetheart. Magdadaan muna sa military assessment 'yang si Maddy bago ka niya makuha kay Tatay."

Nagpaalam na siya sa mga ito.

"Sa susunod na tumambay ka rito sa bahay ko dapat may dala ka na ring bata," pahabol na sigaw sa kanya ni Zeke bago siya lumulan sa kanyang kotse.

"Ha-ha," his reply in a mocking tone.

"Baka 'kamo sa dami ng palahi niyan naguguluhan kung sino ang dadalhin," dagdag namang buska ni Rafe.

"'Tado!" kung hindi lamang nakatingin ang asa-asawa ng mga ito ay bibigyan niya sana ng bad finger sign ang dalawang ungas. Pinagkaisahan pa siya!

Lumulan na siya sa kanyang kotse. Maaga pa para siya magtungo sa Club Red. Kaya nga sana siya tumambay muna sa bahay ni Zeke para magpalipas ng oras. Kaso parang laging sabik sa asawa itong si Zeke kaya nagpaalam na siya bago pa man umalis ang pamilya nina Rafe. 

Hindi niya gustong amining nagseselos siya. Pero kapag tinitingnan niya ang kanyang mga kaibigan at ang kuntentong ngiti sa labi ng mga ito habang kasama ang kanilang mga asawa't anak, ay may umuusbong na pananaghili sa dibdib niya. Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng sariling pamilya na tulad ng mga ito?

Nah. Tigang ka lang, Redentor, saway niya sa sarili.

Sa nakalipas na isang taon ay parati niyang naaalala ang babaing nakatalik ng gabing iyon. And he couldn't believe his luck. They met more than a couple of months ago. Sa opening ng cafe na pinagsososyohan ng nakababatang kapatid ni Zeke at ng asawa nitong si Willa.

Evangeline Quirino.

The name suits her. Kung hindi siya nagkakamali, dating beauty queen ang Mommy nito. At hindi maipagkakamaling mag-ina ang dalawa. Halos kalahati ng physical features nito ay kuha sa ina. Her high cheekbones, a pair of deep-set, brown eyes, a pointed nose and a pair of kissable lips. She's taller than her mother, though. Kaya palagay niya ay namana nito ang taas sa ama. At ang kulay ng balat nito ay makinis na morena. Gandang-Filipina. Samantalang ang ina nito ay mestiza.

Alam na niya ang halos lahat ng impormasyon tungkol dito. That she's an only child, isang kilalang jewelry designer--both local and abroad at nagmamay-ari ng kilalang jewelry line na The Mujer. Noong nakaraang buwan lamang ay na-feature sa lifestyle section ang jewelry show nito na dinaluhan ng mga kilalang tao sa alta-sosyedad.

He wanted to go. But he didn't want to make her feel uncomfortable by his presence. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. He's attracted to her. Pero natotorpe siyang gumawa ng hakbang upang mapalapit dito. At iyon ang kauna-unahang pagkakataong nangyari iyon.

Tumunog ang cellphone niya. Iniisip na niyang tumuloy sa Club Red. Ngunit nagtaka siya kung sino ang caller niya. Unregistered ang numero nito.

"Hello."

"Son..."

Tila saglit na nagbara ang paghinga ni Red nang marinig ang tinig sa kabilang linya.

"Mama."

"K-kumusta ka na, anak?"

Gaano katagal na ba mula nang huli silang magkausap ng kanyang ina? Isang taon o mahigit pa?

The Billionaire's Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon