Gray, Blue and Red

376K 6.8K 752
                                    

Prologue

"ANO ang magagawa ko? Masyado kang malamig. We've been a couple for three years. Three fucking years! Pero kahit oral sex ay hindi man lang kita mapapayag. Hindi ako santo, Evangeline. Lalaki ako, may pangangailangan. At kung hindi mo iyon kayang ibigay sa akin ay hindi mo ako masisisi kung hanapin ko iyon sa iba."

Mapait na napangiti si Evangeline sa alaala ng mga pangungusap na binitiwan ni Grayson matapos niya itong mahuli sa akto ng pagtataksil. Ang kapal ng mukha. Ito na ang may kasalanan sa kanya, ito pa ang may ganang manumbat.

"And you know what, I think you need to see a shrink. Mukhang hindi normal ang pagiging malamig mo sa sex."

Ang sinabi nitong iyon ang tumatak nang husto sa utak niya. Daig pa ni Evangeline ang binigyan ng mag-asawang sampal. Halos tulala siyang lumabas sa condominium building na kinaroroonan ng unit ni Grayson. At sa kamamaneho niya nang walang direksyon, ipinadpad siya sa loob ng isang bar. Club Blue o Black, hindi na niya matandaan. Basta may club sa unahan ang pangalan ng bar. She took a corner seat at um-order ng isang boteng brandy. Sa pagitan ng pagngingitngit at hapdi sa kalooban ay uminom siya ng alak.

Dapat ay masaya siyang nagseselebra ng kaarawan niya sa gabing iyon. Pero hayun at halos lunurin niya ang sarili sa alak dahil sa walang kuwenta niyang boyfriend.

Correction, ex-boyfriend, mapakla siyang napangiti. 

Nang maramdaman ni Evangeline ang paglalandas ng mainit na luha sa kanyang pisngi ay mariin niyang pinalis iyon.

Wala siyang kuwentang lalaki. Hindi mo siya dapat iniiyakan!

Iyon ang sinasabi niya sa sarili ngunit hindi niya mapigilan sa pag-antak ang sakit sa kanyang kalooban. The irony, nagtungo siya sa condo nito para ibigay sana ang matagal na nitong inuungot sa kanya. Tutal naman ay sigurado na siyang magpapakasal dito bago matapos ang taong iyon. 

Iyon ang plano nila, iyon ang ideal age na nai-set niya sa sarili para mag-asawa. Pero sa kasamaang-palad, iyon din pala ang panahong mawawalan siya ng nobyong pakakasalan.

Mukhang hindi normal ang pagiging malamig mo sa sex.

Mukhang hindi normal ang pagiging malamig mo sa sex.

Mukhang hindi normal ang pagiging malamig mo sa sex.

Tinakpan ni Evangeline ang magkabilang tenga dahil parang tuksong nagpaulit-ulit sa pandinig niya ang masasakit na salitang binitiwan ni Grayson.

I think you need to see a shrink.

Fuck you to the moon and back, Grayson Dimalanta! sa isip ay paulit-ulit niyang minumura ang dating kasintahan.

Kung meron mang dapat magpatingin sa kanilang dalawa sa espesyalista sa utak, iyon ay walang iba kung hindi ito. Hindi man lang ito kinilabutan na ang nahuli niyang katalik nito sa kama ay second cousin nito sa ina. Maaaring sa iba ay ayos lang iyon. Pero sa kanya ay may nadama siyang pandidiri.

Blessing in disguise na rin siguro ang mga nangyari, pangongonsola niya sa sarili. Mabuti na iyong habang maaga ay natuklasan niyang tumitikim pala ito ng sariling laman.

Naiiling na inabot ni Evangeline ang bote ng brandy. Ang balak niyang pagsasalin ng alak sa rock glass ay hindi niya itinuloy. Sa halip ay diretso niyang ininom ang alak mula sa bote. Naramdaman niya ang pagguhit ng init sa kanyang lalamunan.

Narinig niya ang maharot na musika mula sa dance floor. Napa-sway ang ulo niya at sinabayan ang maharot na tugtog.

"Happy birthday to me," wika niya sa sarili. Tatlong oras na lang at bente otso anyos na siya.

The Billionaire's Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon