COURTNEY SHARPAY.
"Ney nakita nakita mo na ba yung bagong transferred student?" nilingon niya si anya na nasa gilid niya ng magsalita ito.
Simpleng iling lang ang sinagot niya dito bago ulit ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana kung saan kita ang malawak na field ng Monterial Academy.
"Ano ka ba naman ney, kaya ka napagkakamalan ng iba na weird e. Sa bagay weird ka naman kasi talaga." saad nito bago siya iniwan doon.
Nang ramdam niyang mag isa na lang siya doon ay kumawala na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Habang nakatingin sa dalawang taong masayang nag uusap sa lilim ng puno malapit sa field.
Hanggang kailan ba siya magtatago.
Hanggang kailan ba siya masasaktan?
Pagod na kasi siya. Sobrang pagod na.Inilapit niya ang mga kamay sa bintana na parang maabot niya ang taong nasa labas. Na kahit kailan alam niyang hindi magiging sa kanya.
Ibinaba niya ulit iyon. At nakuntento na lamang sa pag tingin. Mga ilang minuto pa ang dumaan ng tumayo na ang mga ito kaya naman tiningnan niya ang relo.
'10:15. Ilang minuto na lang pala ay may klase na ito.' ani niya sa isip.
Hanggang sa nawala na ang mga ito sa paningin niya. Pero nanatili pa ring doon nakapagkit ang mga mata niya habang patuloy na umiiyak doon.
"Hanggang kailan mo sasaktan ang sarili mo courtney?" napatigil siya ng marinig ang baritonong tinig na iyon.
"Mahal ko kasi siya amiel." sagot niya dito.
"Pero hindi ikaw ang mahal niya alam mo iyon." dahil sa sinabi nito ay kumawala na naman ang mga luha niya.
Tumabi ito ng upo sa kanya. Bago iniharap ang mukha niya dito. Tinanggal ang suot niyang salamin. Bago pinahid ng panyo nito ang luha niya.
"Wag ka ng umiyak. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Ito naman ay patuloy ang paghagod sa likod niya.
Amiel Monterial is always there sa tuwing nasasaktan siya. At higit siyang nagpapasalamat dito dahil sa lahat ng oras ay laging nasa tabi niya ang binata.
She knew that amiel has a war that he needs to fight. Pero wala naman siyang maitulong sa binata, dahil sinasarili nito ang mga bagay bagay sa buhay nito.
"How can i leave you like this ney ? Parati mong sinasaktan ang sarili mo sa mga nakikita mo ? Imbis na umiwas ka, tinitigan mo pa talaga. Martyr ka talaga." Nag angat siya ng tingin dito, alam niyang nahihirapan din ito. After all amiel is her guy bestfriend.
Alam lahat nito ang sakit na dinadanas ng puso niya. At nasasaktan din siya sa tuwing nakikita siya nitong ganito.
"Kaya ko to iel, kakayanin ko." Mariing wika niya dito. Bago tumayo at tinapik ang balikat nito.
Ramdam niya ang tagusang tingin nito sa likod niya pero pinagsawalang bahala niya na lamang iyon.
--
Pagpasok pa lamang niya sa gate ng bahay nila ay nakita niya na ang nakaparadang sasakyan ng lalaki. Napatingin tuloy siya sa kaliwang bisig niya para tingnan ang oras. '5:35' pa lang ng hapon. Nakakapagtaka na maaga itong umuwi ngayon.Isinawalang bahala niya na lamang iyon. Bago tuluyan ng pumasok sa kabahayan.
Nakita niya itong nakaupo sa sala nila kaharap ang laptop nito. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Kaya nag diretso na lamang siya papunta sa kwarto niya sa itaas.
Nanghihinang napaupo siya sa kama niya. Napahawak siya sa dibdib niya at tuluyan ng tumulo ang luha niya.
'Kaya mo yan ney, matigas ka na. Kaya mo yan, kaya pa natin yan.'
Itinaas niyang muli ang mga kamay, tila may inaabot sa likod ng pinto. Napatingin siya sa wallclock na nakasabit sa loob ng kwarto niya.
'6:15.' At heto na naman siya. Umaasa, umaasa sa malabong mangyari. Masyado na niyang sinasaktan ang sarili niya. Hanggang kailan ba siya magiging ganito. Mamahalin din ba siya nito.
Kailan ?
Kapag ba napagod na siya ?
Kapag ba sumuko na siya ?
Kapag ba umalis na siya ?
O kapag ba nawala na siya ng tuluyan sa buhay nito ?
Masakit.
Pero eto ang pinili niya.
At sa lahat ng pinili niya.
Dito siya susugal.
Kung saan puso niya ang nakataya.
At alam niyang dehado siya.
Kung saan puro sakit lang ang mararamdaman niya.
Pero sana dumating ang oras na mahalin din siya nito.
Hindi man katulad ng pagmamahal niya para dito.
Basta masuklian lang.
Doon lang masaya na siya.
©Ememlib
![](https://img.wattpad.com/cover/86136914-288-k41474.jpg)
BINABASA MO ANG
Monterial Clan 5 : The Composer's RunAway Wife
ChickLitI had you at your worst. But she had you at your best. I keep on falling for you even though you didn't catch me. But please i need you. We need you. Kami naman ang piliin mo. Kami naman ang mahalin mo. -Courtney Sharpay Oldevar