Crystal's POV
1 week passed at month of May na!
Hawak hawak ko ang spell book at hindi ko alam kung bakit mabilis kong nakabisado ang laman ng librong ito.
Nakapagdesisyon na ako na pupunta na ako sa Mystical World,Ito na siguro ang tamang panahon.
Naghanda na ako ng mga gamit ko na dadalhin at pagkatapos ay sinarado ko ang lahat ng bintana at pinto sa bahay na ito. Nag cast ako ng spell para walang makapasok dito habang wala ako katulad na lamang ng magnanakaw. Babalik din naman siguro ako sa bahay na ito,hindi ko lang alam kung kailan pa yun.
Kumuha naman ako ng bag na paglalagyan sa mga aso ko dahil isasama ko sila sa adventure ko kahit saan man ako magpunta.
Pero teka nga? Paano ako makakapunta sa Mystical World? Hindi ba't kailangan ko ng portal?
Hindi ko alam kung bakit parang kusa akong naglalakad papunta sa pinakadulong kwarto,tila ba may magnet ang kwarto na iyon at hinihila ako para pumasok ako sa loob.
Pagkapasok sa loob ay may napansin akong umiilaw sa sulok at ito ay isang lock na nakadikit sa dingding at nangangailangan ng susi. Umilaw din naman ang kwintas kong susi at baka ito nanaman ang magbubukas ng lock na iyon.
Hindi ako nagkamali dahil biglang bumukas ang pintuan dingding at napakaliwanag ng nasa loob.
Namangha talaga ako sa kwintas kong susi dahil ang dami naman palang nabubuksan nito.
Ito na siguro ang tinatawag na portal napapikit naman ako habang pumapasok sa loob dahil hindi kaya ng mata ko ang nakakasilaw na liwanag.
Makalipas ang sampung segundo ay binuksan ko na ang mga mata ko hindi ko alam kung bakit nakaramdam nanaman ako ng paglakas.
Pinagmasdan ko ang paligid at napakaganda dito,ang gaan din ng pakiramdam ko. Napapaligiran ako ng mga puno kaya nagsimula na akong maglakad lakad.
Bigla namang may sumulpot na lalaki at nagsabi
"Papunta ka ba sa Academy? Mukhang bagong lipat ka? Huwag kang mag alala hindi ka nagkamali ng napiling eskwelahan"
Wala akong idea kung ano ang sinasabi nya kaya tumango nalang ako. Hindi na nga ako nag aaral tapos hanggang dito ba naman sa eskwelahan pa din ang bagsak ko?
Wala naman akong magawa kundi sundan siya dahil ituturo daw nya sa akin kung saan ang Academy na sinasabi niya.
Nakakapagtaka ang mga puno dito dahil ang mga katawan nito ay gold at ang mga dahon ay color violet.
After 10 mins. Bumungad samin ang napakalaking gate na may nakalagay
Elemental Academy
Pumasok na kami at inihatid niya ako Headmistress room,kabado naman akong pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay may nakaupo sa swivel chair pero nakatalikod ito maya maya ay bigla itong humarap at ang ganda nya pero sa tingin ko ag nasa age 30+ na sya.
"Good morning you may now sit down!!"
Sabi nya sa akin at medyo kinakabahan ako dahil baka mamaya masungit siya.
"Good morning din po!!" Sabi ko at umupo
"What's Your name?" Tanong niya
BINABASA MO ANG
Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)
FantasyA girl named Crystal is the long lost princess of the most powerful kingdom in Mystical World. The people of Mystical world are searching for so long to find their lost Princess that holds a very important role in Mystical world. Little did they kn...