Chapter 111 - Time to die

9.7K 233 48
                                    

Ice POV

2 weeks na din akong nandito sa mortal world and i admit na talagang pinipilit ko ang sarili kong maka recover

Kahit papaano ay di na ako umiiyak everyday

Medyo natatanggap ko na ang lahat kahit unti

Hindi ko alam kung kailan ako babalik  sa Mystical World

Ayoko din munang bumalik

Lalo na ngayon na alam ko na malapit na akong mamatay

takang taka pa nga ako dahil ang tagal naman ata

"I'm ready to die..." nakangising sabi ko

Madalas nalang akong nakakulong dito sa loob ng bahay

Di na ako naglalalabas dahil madalas na ding sumasakit ang dibdib ko

Unti unti na din akong nawawalan ng lakas

I have no idea what is happening

Ang alam ko lang ay nalalapit na ang mga oras ko

Ayoko ng bumalik muna sa Mystical World dahil sigurado ako na mag aalala sila sa akin ng sobra

Ang kapangyarihan ko din ay unti unti na ding nawawala

Habang patagal ng patagal ay humihina na din ang lakas ko

"what's taking so long Crystal?bakit di nalang ako mamatay bigla....."

bahagya kong sinipa ang sofa dahil medyo naiinip na ako

Nilibot ko nalang ang buong bahay at nakita ko ang mga litrato ni Crystal kasama ng mga adoptive parents nya

"Buti pa po kayo kasama na si Crystal...."

Pagkatapos tingnan ng picture nila ay dumiretso ako sa room ni Crystal

Nagulat naman ako ng makitang may mga picture na kaming dalawa doon

napangiti naman ako dahil ang gaganda ng kuha namin sa mga litratong iyon

Selfie lamang iyon at nagulat ako kung saan sya nagpadevelop

napailing naman ako at ngumiti nalang habang tinitingnan ang mga litrato

Napakasaya namin sa mga pictures namin

Genuine talaga ang ngiti naming dalawa

Kailan kaya ulit ako makakangiti ng ganun

Natigil ako sa aking pag iisip tungkol sa aming dalawa ni Crystal ng makarinig ng mga sigawan sa labas ng bahay

bago ako lumabas ay nag suot ako ng mask at ng cap

Sa aking paglabas ay bumungad sa akin ang nagkakaguluhang mga tao

may narinig na din akong putok ng baril na hindi lamang isa

Nakita ko ang limang lalaking may hawak ng baril

Sa tingin ko ay naka drugs ang mga ito at wala sa sarili

"Tumawag kayo ng pulis jusko ano bang nangyayare?"

Sabi ng matanda sa isang tabi

May batang umiiyak sa di kalayuan at nakita iyon ng isa sa limang lalaking may hawak ng baril

"kayamot naman yang batang yan! patahimikin ko na to ang sakit sa tenga ng iyak nya!"

pagkasabi nyang iyon ay mabilis kong inactivate ang swiftness ko

Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon