Ice POV
Hindi ako gumagalaw mula kanina dahil ayokong magising si Crystal na mahimbing na natutulog sa balikat ko.
Siguro ay pagod na talaga siya at antok na antok kaya nag cast ako ng spell sa kanya para makapag deep sleep siya, makakapag pahinga siya ng todo sa ginawa ko. Hindi agad siya magigising dahil malalim na ang pagkakatulog niya.
Oras na para bumaba at buhat buhat ko si Crystal na napakahimbing ng tulog nagulat naman sila sa amin.
"Hala anong nangyare kay Crystal?" Nag aalalang tanong ni Lynna
"Leader ano ginawa mo sa crushie ko!"
Sabi sakin ni Darren kaya sinamaan ko siya ng tingin,nanahimik naman ito sa ginawa ko.
"Nakatulog siya dahil sa pagod at antok kaya tara na't bumalik sa Academy"
Sabi ko at sumunod naman sila.
Pagbalik sa Academy ay nag teleport agad ako papunta sa kwarto ni Crystal para ihiga siya sa kama.
"Goodnight"
Sabi ko habang kinukumutan siya.
Pumunta na ako sa kwarto ko para matulog.---
James POV
Lumabas na kami para kumain sa dining room dahil papasok na kami maya maya, except kay Crystal na hindi pa namin nakikitang lumabas ng kwarto niya.
"Guys wala pa si Crystal! 15 mins. nalang papasok na tayo"
Sabi ni Joanah.
Sinilip namin ang kwarto ni Crystal at kitang kita naming tulog na tulog pa siya.
Pumasok naman ang mga girls para gisingin siya.
"Ayaw niya gumising"
Sabi nila pagkalabas sa kwarto ni Crystal.
"Psh! Basic! Ako ang gigising kay Crush pero samahan nyo ako"
Sabi ni Darren at kami namang mga lalaki ang pumasok sa loob,except kay Ice na naiwang kumakain sa labas.
Tinawag tawag namin si Crystal pero hindi ito gumigising.
"Hmmm?"
Yan lang ang sinasabi niya at natutulog pa din siya,nag isip naman kami ng pwedeng gising sa kanya.
"Crystal gumising ka na, May pasok pa tayo!"
Sabay sabay naming sabi at nilakasan namin ang mga boses namin para magising siya.
Bigla naman niyang inalis ang kumot na nakatakip sa kanya at biglang umupo ng nakapikit.
"HINDI NGA AKO PAPASOK! TINATAMAD AKO!"
Sigaw niya sa amin,dahilan para matakot kami at lumabas.
"Geez! nakakatakot siyang gisingin pag natutulog baka mapatay tayo"
Sabi ni Darren at natawa naman kami.
"Hindi daw siya papasok!!"
Sabi namin at nag nod naman sila.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)
FantasiaA girl named Crystal is the long lost princess of the most powerful kingdom in Mystical World. The people of Mystical world are searching for so long to find their lost Princess that holds a very important role in Mystical world. Little did they kn...