Chapter 16- Crying Shoulder

17.3K 619 16
                                    

Salamat po sa nagbabasa!

**********************


Crystal's POV

Ang gaan ng pakiramdam ko dahil si Ice ang una kong nakita at talagang binantayan niya pa ako ha!

Dumating naman ang mga kaibigan ko at tuwang tuwa sila dahil gising na ako,isang linggo na daw kasi akong natutulog at sobra na daw silang nag aalala sa akin. Ang pakiramdam ko ay isang araw lang akong natulog,nagulat talaga ako ng malaman kong isang linggo na pala.

Chineck naman ako ng mga Doctors at Nurses kung maayos na ba talaga ako dahil nagpupumilit na akong umuwi.

Nakakamangha lang dahil parang hospital ang clinic namin dito sa Academy medyo malaki at kumpleto sa kagamitan.

"Crystal mabuti nalang at gising ka na natatandaan mo ba kung ano ang nangyari?"

Tanong sa akin ni Headmistress na kakapasok lang sa kwarto.

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari ngunit wala akong maalala ang natatandaan ko lang ay ang lalaking nakasuot ng puro itim na may cape,hat at mask.

"Wala po akong maalala kung ano ang nangyare"

Sabi ko.

"Curfew na nung mga oras na iyon at paano ka napunta sa labas ng Academy?"

Tanong ulit sa akin ni Headmistress na siyang nagpakaba sa akin.

Bakit nga ba ako lumabas ng ganung oras?

Mapaparusahan kaya ako dahil lumabag ako sa Academy's Rules?

Bigla namang pumasok sa isip ko ang boses ng tumatawag sa pangalan ko.

Oonga pala! Ayun ang dahilan kung bakit ako lumabas.

"Meron pong hindi pamilyar na boses ang tumatawag sa akin at hindi po ako tinitigilan ng boses. Sinundan ko ito kung saan nang gagaling ang boses hanggang sa napadpad ako sa labas ng Academy,dito na po ang simula ng hindi ko maalalang pangyayari."

Sabi ko kay Headmistress at napatango naman siya.

"Nagawa mo lang naman lumabas dahil sa boses kaya sige, consider ang nangyari para hindi ka parusahan."

Sabi ni Headmistress at nagpasalamat naman ako,pinayagan na din akong makauwi sa Dorm kaya sabay sabay na kaming umuwi ng mga kaibigan ko.

Tumambay nalang ako sa veranda dahil gabi na at hindi ko magawang magpahinga o matulog dahil sabi nga nila Isang linggo na akong natutulog kaya hindi ako nakakaramdam ng antok.

Narinig ko naman na bumukas ang pintuan sa kwarto ni Ice.

"Ice what happened? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa akin?"

Tanong ko naging seryoso naman sya.

"I have no idea what happened to you,nakarinig nalang kami ng malakas na pagsabog at pagpunta namin sa labas ng academy nakita kita sa Forest na duguan"

"Also,we saw four dead bodies. Ang dalawa sa kanila ay kalaban at ang dalawa naman ay hindi namin kilala. Naka preserve ang katawan nila para ipakita sayo kung kilala mo ba sila at kasama ba sila sa nangyari sayo"

Sabi niya at nakaramdam na ako ng hindi maganda.

"Pwede mo ba silang ipakita sa akin?"

Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon