Kabanata 3: masamang panaginip

52 2 0
                                    

Kabanata 3


Faith's POV

Habnag ako ay naglalakad sa hallway hindi mapigilang tumulo ng mga luha ko sa mga mata ko, at naging dahilan iyon para pagtinginan ako ng mga tao dito sa school, nakakainis naman kasi eh, This cant be real !


"Faith wait!" Hinawakan niya ang mga kamay ko upang mapigilan ako sa paglalakad... DUGSH DUGSH, i can feel the inner inner pressure! This is so real...


"B-bakit ka umiyak? M-may nagawa ba ako, nasabing mali... Kung meron man pasensya na ." Nakita ko sa mga mata nya ang pagka sincere niya... Is this real.


"Ah wala yun, k-kasi itong necklace na ito bigay ito saakin ni mommy." Sagot ko


"Oh!? Anong nakakaiyak dun" napataas yung isang kilay niya kaya naging dahilan iyon ng pagtawa ko, ewan ko kung dapat ba akong tumawa o mainis eh...


"Patay na kasi si mommy" nagbago ang emosyon ko nung sinabi kong patay na ang pakamamahal kong nanay, kaya tumahimik siya at feeling ko ang buong paligid din, bigla rin bumuhos ang napakalakas na ulan, para bang nakikisama siya sa pinagdaraanan ko ngayon.


"Pasensya na." Sabay hawak ulit sa kamay, nakakapansin na ako ahh panay hawak siya sa kamay ko.


"Ok lang yun, pero may itatanong ako sayo... Wag ka magkakaila ah!" Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya ganun din ang ginawa niya...


EYE TO EYE CONTACT.


"A-ano yun?" Tanong niya saakin halata sa muka niya ang pagtataka , grabe nakakatawa pinipigil ko lang ang tawa ko kasi kaharap ko siya!



"Crush mo ba ako? Magsabi ka ng totoo!" Tanong ko sakanya... Lumaki ang ngiti niya sa kanyang mga labi yung tipong mapupunit na ang mga muka niya sa sobrang saya, eh kunh tadyakan ko kaya itong lalaking toh? Nagtatanong ng maayos eh.


"Hmmm. Let's say parang ganun na nga pero hindi ganun!" Tugon niya at lumayo na siya saakin... Ano daw parang ganun na hindi ganun? Niloloko niya ba ako.


"Teka may sasabihin pala ako sayo!" Ngumiti siya saakin ng maraan, yung nakakabaliw na ngiti muntanga lang haha.


"mi amor por ti es verdad "(ang pagibig ko sayo ay tunay)... Lah ano daw!? Mi amoy ka na? Ano? May amoy na ako.

Inamoy ko ang sarili ko pero wala naman akong naamoy na mabaho sa totoo nga ang bango ko tas sasabihan ako ng mabaho? ABAY .


"Ano sabi mo ? Mi amoy ka na!? Umayos ayos ka ah! Gusto mo magwrestling tayo ngayon dito?" Tanong ko sakanya at tinaas ko ang manggas ko at ipapakita ko ang muscles ko, napatol ako sa lalaki, kung di niya tatanungin isa akong spartan.


Reincarnated Love With HimWhere stories live. Discover now