Kabanata 4: panandaliang kilig

53 3 2
                                    




Kabanata 4



Faith's POV



Ramadam ko ang mga pawis na bumabagsak sa ulo ko at sa leeg ko, tagaktak na ang pawis ko ngayon , ewan ko kung bakit pero hindi naman mainit at malamig naman ngayon dahil naka aircon ako.


"Bakit ang init dito sa loob! Parang tinutusta...this cant be real." Sa sobrang init ay napabangon ako sa aking kama pero hindi ko inaasahan ang makikita ko sa malapit sa pinto... Isang anino, isang anino na galing mismo saakin



Isa pang ako ang nakatayo sa malapit sa pinto, kinusot kusot ko ang aking mata upang siguraduhin kung nanaginip lang ba ako oh totoo ito.



"P-pero totoo nga... H-hindi ito panaginip"



Dahil dun nagtaklob ako ng kumot at natulog muli, sinisilip silip ko kung nandun pa ba yung another me pero wala na akong nakita kaya dali dali akong tumakbo sa pinto at binuksan iyon, pero di ko akalaing nandun yung babae sa labas ng pinto



"Ay pwet ng kabayo!" Nasabi ko nalang dahil sa sobrang gulat at hinimatay nanaman ako! Lagi naman eh pero this time nag jojoke lang akong nahimatay ako...




Sa tagal ko atang maghihimatay matayan makakatulog pa ata ako ah! Feeling ko din, inaantok na ako eh kulang pa ang tulog ko antagal naman ata gumising nila daddy anong oras na ba!? Unti unti kong tinignan ang wall clock sa likod nung another me and 3:35 pa rin so nag stop ang oras....




"May gusto lang akong sabihin sayo tumayo ka dyan!" Sabi nung another me, hindi ko siya kaboses mas mahinhin siya saakin, yung boses ko kasi palengkera eh haha.




"Bakit di mo agad sinabi, nag effort pa akong maghimatay himatayan dito... Ano ba yun!?" Padabog kong tanong sa kaniya, well magkaiba kami kung siya mahinhin ako barumbado haha. Charness




"Ingatan mo ang lalaking minamahal mo dahil sandali lamang siya sa piling mo, o kaya maaring magbago ang tadhana ikaw ang agad mawala, kung maari layuan mo siya." Pag bababala nung babae sakin na ako rin, naguguluhan na ako ah.



"P-pero sino ba yung lalaking sinasabi mo?" Tanong ko sakanya sabay taas ng kilay.




"Si wuanajjshaihwbwjsoaj" nag gugulo ang sasabihin niya kaya hindi ko maintindihan gosh! At pagkatapos niya sabihin yun nawala na siya sa paningin ko kasabay nun ang mabilis na pag galaw ng oras... 7:00 am na, pero kanina 3 palang....





"Oh anak! Ang aga mo ata magising? Anak ikaw ba talaga yan hehe. Naninibago lang ako." Tanong ni daddy saakin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay " oo naman yes dad!" Sagot ko nalang sakanya at ngumiti, naglakad na ako papalabas ng kwarto at kumain ng almusal.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated Love With HimWhere stories live. Discover now