Steven's POV
Papasok na sana ako sa rooftop, para kunin ang guitar ko nang may marinig akong kumakanta. Ang ganda, ang sarap pakinggan, kaya dali-dali akong pumasok. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod sa akin habang tumutugtog gamit ang gitara ko.
" ~ I have died everyday, waiting for you.
Darling don't be afraid, I have loved you.
For a thousan years.
I love you for a thousand more. ~ "Napapalakpak na lang ako, grabe ang galing nya talaga. Napatingin aya sa akin pero agad din itong tumalikod sa akin at itinabi ang guitar, kaya lumapit ako sa kanya. Sakto naman na tumingin ulit sya sa akinay nasa likod na nya ako, kaya nakita ko syang ... Umiiyak? Teka, bakit ba sya umiiyak?
" Teka, umiiyak ka ba? Oh panyo." Sabi ko sabay abot sa panyo ko.
" Ahh.. Thanks, but No thanks." Mataray na sabi nito. Grabe tong babaeng to.
Hindi agad ako nakapag-react, nakita ko na lang na palabas na sya sya ng rooftop. Susundan ko na sana ang babae, nang mag-ring ang Cp ko..
Si Curt pala ang tumatawag." Oh! Napatawag ka? " Tanong ko dito
" Ahy! Bakit di mo ba ako namiss babe? " sabi nito na parang bakla, sinabayan pa ng tawa.. Eww..
" Kadiri ka Curt, umayos ka nga.. " naririnig ko parin yung mga tawanan nila sa kabilang linya.. Pucha.
" Hindi.. Ahahah.. Aray naman Vince.. Oo na eto na nga eh.. Diba,. Kasi Steve pinapatawag tayo ni Dean. " sagot nito.
" Bakit daw? " tanong ko dito.
" Hindi ko alam ehh. Bilisan mo. " Curt
" Ah! Sige papunta na. " Sagot ko, tsaka ibinaba ang tawag.. Kahit kailan talaga yung taong yun, napaka harot eh.
Agad ko naman kinuha ang gitara ko at bumaba na sa rooftop at naglakad na papunta sa office ni Dean, nandon na sila Curt at ako na lang ang kulang, kaya umupo na ako sa tabi ni Curt..
" Dean, bakit nyo po kami pinatawag? " seryosong tanong ni Curt
" Well, pinatawag ko kayo, because sa Academic records nyo, plus meron din kayong record sa guidance dahil sa pagka cutting classes, na alam nyo na mahigit na pinagbabawal. " sabi ni dean, kaya napayuko na lang kami.
" At nakausap ko na din ang mga Parents nyo at pumayag sila sa gusto ko at ng mga teacher nyo. " dugtong ni dean.
Agad kaming napatingin ni Dean.. Anong ibig sabihin nito? May parusa kami.. NA NAMAN?
" What? Alam ni mommy ang lahat?" Mahina pero pasigaw na sabi ni Vince..
" Yes " pormal lang na sabi ni Dean
F*ck! Lagot ako kay mommy at daddy nito.
" Then what's the Punishment? " tanong ko naman, nakakapagtaka lang kasi na napapayag ni Dean sila Mommy sa punishment na yan.
" Since, may gaganapin na Band Competition dito sa school natin, gusto ko kayong tumugtog as a band. " sabi ni Dean
" So you mean Dean na kailangan namin sumali sa Band Competition na yan? " tanong naman ni Vince
" Yes " sabi ni Dean na nakangiti sa amin.. P*cha ang weird ng ngiting yan..
" Suuus, yun lang naman pala ehh,, sisiw masyado. " tanga talaga to, parang gusto pang dagdagan ehh.
" But!, hindi doon natatapos ang punishment nyo, here. " sabi ni Dean sabay abot sa mga pictures.
" Ano to Dean? " tanong ni Philip, lalo na to, kita namang mga picture, tss..
" Picture yan, tanga. " sabi ng maharot na si Curt.
Kaya natawa na lang kami lalo na sa mukha ni Phil.
" Tsk, alam kong picture to.. I mean tsss.. Wag na nga lang.. Nakasimangot na sabi nito.
" Wow! Dean! Ang hot naman nila. " sabi ni Vince na mukhang asong ulol, na nakatingin sa limang picture.
Hayyzz.. Umaandar na naman ang pag ka playboy ni Vince. Napatingin ako sa mga picture na hanggang ngayun ay hawak parin ni Vince, oo magaganda nga sila gaya ng sabi ni Vince, nang nahagip ang tingin ko dun sa babae.. Yung babaeng nasa rooftop, kaya agad kong kinuha ang picture at tinanong si dean.
" Ahm.. Dean sino po sya? " sabay pakita ko sa picture.
" Ah! Yan si Xyra, ang gitarista ng banda nila. " sabi ni dean na parang nalulungkot
Napatingin ako kay dean na bakas sa tono nya ang lungkot kaya napatingin ulit ako dun sa mga picture.
' ano bang meron sayo? Sainyo? At ganito ang epekto nyo kay Dean. '
" Patingin nga " napatigil ako sa pagtingin sa picture nya ng biglang hablutin ni Vince ang kamay ko.
" Wow! Oo nga maganda sya, pero mas maganda to. " sabi ni Vince sabay pakita ng picture na hawak nya.
" Ah! Yan si Trixia yan at kagaya mo Vince guitarist, and sub vocalist ng banda ang pinagkaiba lang, kay Trixia ay electric. " sabi pa ni Dean kaya mas lalong lumaki ang ngiti ni Vince.
" Destiny. " bulong na sabi ni Vince pero rinig din naman namin, psh. -__-
" Ahm! Dean ano pong gagawin namin sa kanila. ? " tanong ni Curt.. Ahahah.. Alangan naman na pagsamantalahan..
" Ah! Sila lang naman ang pipilitin nyong, sumali sa band Competition and by partner ay tutugtog din kayo, lastly si Curt naman ay pipili sa gusto nyang makasama sa pagtugtog ulit. " paliwanag ni Dean
" What? Bakit naman Tatlo ang tutugtugin ko Dean? " nakasimangot na sabi ni Curt
" Kasi sa dami mong record sa guidance eh, nahiya ang grades mo, kaya ayon. Bagsak ka tuloy. " si dean
" hmmmp. " irap ni Curt kay dean..
" Hahaha.. " tawa namin, yan kasi sobrang harot.. Pffft..
" Oh! Ayan mga picture.. Joshua, ito si Scarlett pianist ng banda. Curt, si Colaine ang Vocalist. Philip, si Stefanie naman ang drumer. Yang si Xyra sayo Steven, and si Trixia sayo Vince. " sabi ni Dean at isa-isang binigay ang pictures sa amin..
" So now!. Go to their room, para yayain nyo,Pero pag sila hindi pumayag.. HINDI KAYO MAKAKAGRADUATE and ⚠ warning, hindi sila madaling MAGTIWALA "
Tumango lang kami kay dean at lumabas na sa office, at dumiretso sa room nila.
~~~~~~~~~~~~
" PLAGIARISM IS A CRIME "
YOU ARE READING
The Music
De TodoThis story is all about the story of five girls, who doesn't want to use any instrument because it's just reminding them their past, their bad memories. #TropangSawi