Chapter 4 : Memories

1 0 0
                                    

Trixia's POV

Ano bang pumasok sa isip nila at kami pa talaga ang nilapitan na gustong maging partner.. P*cha.. Mukha naman silang mga tanga.. Hindi ko rin yung mga ugok na yun, na umalis, kasi di namin sila pinansin, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang tumugtog, dahil kagaya nila Xyra, bumabalik parin yung mga masasakit na ala-ala.. Sh*t... Andito ako ngayon sa garden sa likod ng school.. Hindi to alam nila Colaine, tanging ako lang..Masyado kasing tago ang garden na to. Matagal-tagal ko na rin tong di napuntahan, at ang bagay na matagal ko ng itinago dito simula nung lahat ng ginawa nya..

Pinuntahan ko ang guitar na matagal ko ng di ginagamit, hindi parin pala nasisira.. Naisipan kong tumugtog kung kaya ko na bang harapin yung mga masasakit na ala-ala. Sana itong kakantahin ko madama mo naman.

"~ Maaari ba muna natin tong pag-usapan
Sa dami-rami ng ating pinagdaanan~"

" Ano ba yan! Bat kasi hindi ka nag-iingat. " Sabi ng lalaki kay Trixia, habang ginagamot nito ang sugat sa daliri.

" Eh! Kasi naman nanggugulat ka, yan tuloy nahulog yung plato! Lagot ako kay manager nito. ! "

" Don't worry, ako na ang bahala. " nakangiting sabi ng lalaki..

" Hahahaha.. "

"~ ngayon mo pa ba naiisipang isuko ang lahat, ng ating pinagsamahan.. ~"

" Mahal kita Trixia. Can I Court you? " -guy

" Hmm.. Yes. " Trixia

~ masikip sa damdamin hinigop na ng hangin
Ang lakas, pinaghihinaan ng wagas
Pwede bang pag-isipan, wag ka munang lumiban.
Baka sakali ito ay masalba pa.
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati..~ "

" Mahal Ko Happy Monthsary. "
" Happy Monthsary din Mahal Ko. "
Then the guy kiss me on the forehead.

"~ may pag-asa pa ba kung susuko ka na.
Larawan mo ba'y lulukutin ko na.~ "

" Sana magustuhan nya ang surprise ko sa kanya. " masayang sabi ko.

Pero ilang oras na akong naghintay pero wala parin sya.. Then biglang dumating sila Colaine.

" Trix, pumunta daw syang america, kakaalis lang daw nya. " napaiyak na lang ako nun habang kinocomfort nila ako.

"~ sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin moy tila napagod na.~"

" Ma, san ka ba pupunta?." Tanong ng batang si Trixia
" Aalis lang ako, babalik rin ako hah.. " kiniss nya ako sa forehead..
" Pero bakit dala mo si baby?. Ma"

" Dad! Why Mommy's taking away my baby brother? " inosente ko pang tanong

Bigla na lang dumating si Dad.. Hindi ko alam pero nagmadaling umalis si Mom nun.. At simula nun kami na lang ni Papa ang magkasama sa bahay..

"~ Ikaw at ako ay ala-ala na lang
Kung susuko ka na. "

Huminto na ako sa pagtugtog at pinunasan ang mga luha ko.

" Haaayyy.. Hanggang ngayon ba naaalala ko parin ang mga yun. " Naiiyak paring sabi ko.

Napahinto ako sa pag-iyak ng may panyo sa harap ko, then nung tingnan ko kung sino ito, yung gag*ng nagyaya sa akin para maging patner.

" What? Ikaw na nga binigyan ng panyo ehh.." Well sabi ko ba bigyan mo ako.tsss.   -_ -. Di ko na lang sya pinansin, instead sumandal na lang ako sa puno habang nakapikit.. Bahala sya dyang mangalay kakaabot sa panyo nya.. Ayoko kong tumanggap ng panyo.
Bigla na lang syang umupo sa katabi kong puno.

" Lagi ka ba dito.?" Tanong nya.

" No "

" Lagi kasi akong pumupunta dito para abangan kung sino ang may-ari ng guitar na yan. And then nakita kita na kinuha mo yan, nakita kitang kinuha mo yan at narinig kita kung paano tumugtog. Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang napili ko.." Nakangiting sabi ng lalaki..

The MusicWhere stories live. Discover now