ENTRY 03

63 0 0
                                    

Dear My Pretty Diary,

Haaay! Boring ang bahay ngayon diary! Pakyerns kasi ang kuya ko eh! Umalis ng bahay dala-dala ang iPod ko! (Baka may iPod?!) Tapos si ate Monica naman ay may lakad. Huhuhu! Kaka-inggit talaga ang beauty ni ate Monica! Pero mas angat ang beauty ko noh! Di ba diary? Wag kang tumanggi pipilasin kita ng bonggang-bongga!!

Kaya tinawagan ko na lang ang mga chaka kong friends para pumunta sa pretty kong house gamit ang 3210 na cellphone ko diary. Ang chaka ng cp na to sarap ibalibag!!

Calling...

"Hello, ArnieBayo!!" sabi ko sa kabilang linya.

(Bakit ka tumawag?! Achoo!)

Grabe! Feeling ko amoy ko pa rin ang baho ng hininga niya hanggang dito sa cellphone ko! Pamatay talaga! Peste!

"Bakla! Punta kayo ng Panget na si Lala dito sa mansyon ko! Ngayon na!"

(Agad-agad?! Shala ha! Mansyon ka diyan eh parang bahay ng daga yang bahay niyo eh!)

"Gagang to! Masyado kang mahadera ah! Eh yung bahay niyo nga, parang kutong lupa na lang ang pwedeng tumira eh! Echoserang to!" sabi ko.

(Ewan ko sayo, bakla!!) inis na sabi niya.

"Si Lala?! Nasaan?! Nangangalkal na naman ba ng mga damit kanila Aling Diyonisia??" tanong ko. Madalas kasi si bruhilda doon sa babaeng nagja-japayuki eh! Hindi maka-get over sa fafabol niyang hapon! Laging nagto-throw back thursday ang gaga.

"Punta ka ditey, ArnieBayo ah! As in ngayon na!" pagmamadali ko sa kanya. Akechiwa paghihintayin niya?! Spell A-S-A??

(Teka lang! Natae pa ako!! Arggghh!!)

Ang buang ng isang to! Na-tae, kaya pala feeling ko amoy ebak!! Kadurdur!!

"Bilisan mo! Isa....Dalawa...."

~°~

"DING DONG!!" may tunog galing sa pinto kaya pumunta ako. Baka sila na yun!

"DING DO---" pinutol ko ang sasabihin ni Arnie.

"Gagang 'to! Nang-aasar ka ba talaga ArnieBayo?! Wala kaming door bell kaya wag kang magin-aso!! Pero kung gusto mong mag-apply bilang door bell ng bahay namin, hirelalu ka na!" iling-iling na sabi ko.

"Nasaan si Lala? Ang Laiterang hindi naman Pretty?!!" tanong ko kay ArnieBayo ng mapansin kong wala ang panget kong kaibigan na si Lala.

"Nasa condo ni Sic!!" inis na sabi ng amoy imburnal niyang bunganga.

"WHATNESSS?? Nasa condo ni Sic beybeh???!" gulat na sabi ko sabay salampak sa sofa namin na nginatngat ng aso namin na si Bugoy.

"Aray ang kati!! Ano bang klaseng upuan to?" sabi ni ArnieBayo habang kinakamot ang pwet.

"Diyan kasi natutulog ang aso namin na si Bugoy! HAHA!" sabi ko sabay tawa.

"D-don't tell me---" gulat na gulat na sabi niya.

"Yeah! Malamang sa alamang! Mga garapata na ang kumagat sa pwet mo! BWAHAHHA!!" tawa ko.

"Yuuuuccckk!!" diring-diri na sabi niya sabay nagtatalon.

"Maka-yuck naman to! Mas mabango pa nga ang mga garapata kaysa sa bunganga mo eh!!" sabi ko sa kanya.

"DING DONG!!"

Tumunog na naman ang pinto namin! Sino na naman ba 'to?! At talagang ginaya pa si ArnieBayo sa instant ding dong niya ah??

"DING DONG! DING DONG!! DING DO----"

Ang Diary Ng Bakla (Ang Feelingerang Froglet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon