ENTRY 05

49 0 0
                                    

Dear My Pretty Diary,

KALOKA DIARY!! Umuwi na ang Fafu ko galing sa JohnJohnLang City!! Ang daming dalang basura este pasalubong! Gusto mo bigyan kita diary? Gusto mo isupalpal ko sayo ang mga librong dala ni Fafu!

Oo! Mga booklalu ang mga dala ni Fafu! Nagta-trabaho kasi yun sa Library ng BoomVaness University eh!! Kaloka lang! Anong gagawin ko sa libro? Ipapantapal sa pempem ng malanding paniki na si Pipay?! Ay tama! Mabuti pa nga!!

"Oh! Nasaan ang paborito kong anak?!" sabi ni Fafu habang umiinom ng Nesfuta na ang flavor ay Dandan Dalandan.

"Nasa kwarto niya!" sabi ni Mudrakels.

"Present!!" sabi ko habang bumababa sa mala-red carpet naming hagdan.

"Ano ba yan, Charlito! Ang tinis ng boses mo! Parang kang bakla!" asar na sabi ni Mama habang nakatakip ang mga kamay sa tenga. OA ha?!

"Parang ka diyan! Bakla talaga!" napatakip ako ng mouthlalu ng masabi ko yun. Gosh! Baka malaman nila ang tinatago kong beauty!

"Ano? Bakla ka?!" gulat na sabi ni Mudra.

"H-ha? Oo bakla! Bakla si Bugoy, yung aso natin Mama! Nakikipag-jerjeran sa aso nila Aling Patris!! Hehe!" palusot ko. OhMyBeautyWow!! Sana gumana!! *Cross gorgeous fingers*

"Ah! Akala ko bakla ka eh!" sabay nakahinga siya ng maluwag. Potaines! Buti naniwala si Mudrakels! Umupo ako sa upuan namin. Pakshet talaga ang aso namin! Hindi pa nakuntento sa pag-kagat ng sofa namin! Pati upuan?! Wengya!

"Charles! May boyfriend este girlfriend ka na ba?!" sabi ni Fafu. Nabilaukan naman ako sa iniinom kong Mogu-Mogu.

"Ha! Wala pa Papa!" mabilis na sagot ko.

"Bakit? Wala bang umaaligid na girls?! Aba! Sayang ang itsura mo Charles!" sabi ni Fafu na parang dismayado.

"Hindi naman sa ganon, Papa! W-wala pa akong balak! Hehehe!" tapos nilagok ko na ang lahat ng Mogu-Mogu sa baso ko. Gosh! May mga nata pa! Sayang!! Inabot ko yung nata gamit ang daliri ko sabay sinubo. Hmmm...Chalap!

"Hoy! Itigil mo nga ang kababuyan na yan!!" sabi ni Kuya Macky sabay tapik sa upuan ko.

"Kababuyan ba ang kumain ng nata? Nata rin yun! NATA!!" sabi ko.

"Gago! Kadiri ka! Baka galing ka sa pag-ihi tapos hindi ka pa naghuhugas ng kamay!" sabi niya sabay subo ng hotdog.

"Duh! FYI!! Hindi ko hinahawakan ang alaga ko kapag umiihi!!" protesta ko.

"Ha? Patawa ka?! Wag mong sabihing naka-upo ka kapag umiihi?! Aba matinde!" napalunok ako. Naka-upo kasi ako kapag-umiihi eh! Hindi ko keribels ang umihi ng nakatayo noh! Duh~!!

"Ewan ko sayo! Teka! Si Ate Monica?" sabi ko para ma-iba ang topic. Kaloka diary! Baka maihi ako sa kaba kapag knowings na nila ang tinatago kong hiyas.

"Si ate? Nasa taas pa! Mukhang may lakad na naman eh!" sabi ni Kuya Macky. Nga pala diary! Kung hindi mo pa naitatanong, ako ang bunso sa magkakapatid! Kaya nga dakilang prinsesa ang peg ko dito sa houselalu! At si ate Monica naman ang panganay sa aming tatlo.

"Lakad na naman? Bakit ayaw niyang tumakbo?!" sagot ko. Gaga naman ni ate Monic! Kung ayaw niya tumakbo eh di mag-bus siya o di kaya jeep! Naka-hithit na naman ata ng Katol eh!

"Ginagago mo ba ako, Charles?!" inis na sabi ni Kuya Macky.

"Tumigil na nga kayo! Kumain na lang kayo ng---" pinutol ko ang sasabihin ni Mudrakels.

"Yung sardinas de menudo na naman?!" inis na tanong ko.

"Tumpak!! May tama ka!" sabi ni Mudra na parang nasa game show ang peg niya.

"May sapak na talaga to si Mama!" iling-iling na sabi ko.

"Aalis na ako Momsy at Popsy!! Si Charles alagaan niyo ah!!" sabi ni Ate Monica habang papalabas na ng pretty house namin. Alagaan?? Haay! Kahit kailan talaga! Prinsesa pa rin ang turing sa akin ni ate Monica!

Nung bata pa kasi kami, lagi niya akong dinadamitan ng pang-babae! Lagi kaming naglalaro ng lutu-lutuan, tapos siya yung mommy! Kakainggit nga eh! DAPAT ako yung mommy! Pero sabi niya bata pa daw ako kaya Princess na lang daw ang peg ko. Kaya siguro nasanay na rin ako na bine-baby ni ate Monica hanggang pagtanda. Kaloka ang ate ko noh? Alam niya kaya ang secret ko?! Echosera ko talaga! At nagawa ko pang mag-throw back sunday! Ang gaga ko talaga noh?!

"Mag-ingat ka Monica!" sabi ni Fafu sabay kinain ang tinapay ma may palaman na hotdog. Hmmm...Mukhang masarap!

"Ate Monica! Bil'han mo ako ng boxers ah!! Ayaw kasi ibalik ni Charles yung akin eh!!" pahabol ni Kuya Macky. Goossh!! Ano tingin niya kay ate Monic? Human credit card?! Ang gaga talaga!!

"Heh! Hindi nagsusuot ng boxers si Charlotte este Charles! noh!" tapos sumakay na siya sa tricycle.

T-teka!! Wag mong sabihin na...

Alam niya na??

~°~

Kinakabahan (Pero Pretty pa din!) ,

Charlotte!

Ang Diary Ng Bakla (Ang Feelingerang Froglet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon