Dear My Pretty Diary,
Goosshh!! Diary! May pasok na naman ako sa SOGO! Hoy! Hindi Motel yun ah! South Of Gordon Orlex University!! Wala na daw kasi maisip si Sic eh!! HAHA!
Papasok na aketchiwa sa pretty room namin ng may nakita ang aking beautiful eyes na kaguluhan! Ano na naman ba itey? Ang beauty ko kaya ang pinagkakaguluhan ng mga gagang students dito? O stupidents kung tawagin ni Avah!?
Nag-salagubang walk ako papunta sa kumpol-kumpol na estudyante.
"Anyare teh?!" sabi ko sa babaeng mukhang bisugo na may fully bangs ang gaga habang kinakalabit ko.
"May nagsa-sambunutan kasi, bakla!!" sabi niya with matching hampas sa braso ko. Eeeww! TFC? Tangina Feeling Close?!
"Gagang to hahampas pa! Sino ba ang mga homosapiens na nagsasambunutan?!" sabi ko sa gaga at lumayo ako ng konti sa kanya. Nakaka-loka eh!
"Yung bagong transferee na si Mirasol Mayosa at si Pilar Payoson!!" sabi ng chaka! Aba! Complete name ah?! Teka, anong sabi niya?! Pilar? Ang malanding paniki na si Pipay? Aba! Mukhang maganda 'to ah! Mwahahaha!
Sumingit ako sa mga chismackers na estudyante. Kaloka! Hindi ako makakalabas ng buhay ditey! Ang baho!
"Tumabi nga kayo mga panget!!" inis na sabi ko at saka humawi ang daan para sa akin. Taray! Ang ganda ko talaga!
"Walang hiya kaaa!!" sigaw ng isang malanding negritang pusit na si Mimay habang nakikipag-jombagan sa malanding paniki na si Pipay. Konting push na lang ni Mimay kita na ang maitim niyang kuyukot eh!!
"Same to you! Pakyuuu!!" sabay nag-sampalan ang dalawang bruha. Kaloka! Ang taray! Ma-videohan nga! Nilabas ko ang 3210 na cp ko at itinapat sa kanila. Kaloka!
"Assumera 'to! Saan banda ang camera ng 3210 na yan ha?!" may boses na galing sa likuran ko. At sino naman itey?! Naka-outfit siya ng malaking boots! As in malaki talaga! Aabot ata sa singit ng gagang ito! Tapos loose na leather shirt na color black at may kwintas na ang design ay bakal na krus. Kaloka! Mas gugustuhin ko pang-maghubad kaysa mag-suot ng ganyang outfit! Kadurdur!! Tapos may dala pang electric guitar na kulay black. Ang gaga talaga niya. So, rocker ang peg niya? Ganon?!
dA_wHo_bHa_itEy?!
"Teka nga bruha! Sino ka ba?!" tanong ko sa Rocker-wanna-be na nakangising nanunuod sa dalawang unggoy na nakikipag-sabunutan.
"Kaibigan mo talaga ang laiterang si Lala noh?! Masyadong makakalimutin! Ako si dYosA---" pinutol ko ang sasabihin niya dahil mukhang kilala ko na siya. Baka mamaya mag-split na naman sa mainit na semento ang adik na diyosang ito!!
"Ikaw si Diyosa Thik? Ang Leader ng mga sindikato este Isprikitik?!" tuloy ko.
"Korek! Kokak!" sabi ng adik na ito sabay tumalon na parang palaka. Adik nga!
"Gagang 'to! Tumabi ka nga! Nakaka-sira ka ng araw ko eh! Ang bantot pa ng outfit mo! Hiniram mo kay Vice Ganda yan noh?!" sabi ko sabay irap.
"Magagaya ka rin kay Lala...Tandaan mo yan...yan...yan..." sabi niya na parang nage-echo. Ganon? Taray ah!
"Eeew! Adik talaga ang diyosa na ito! Pero never mangyayari yun! Dahil hindi naman akiz laitera eh! Si Lala lang yun!!" sabi ko sa kanya pero paglingon ko wala na ang adik na diyosa. Wherelalu na kaya yun?! Sinilip ko siya sa baba, baka mamaya nag-split na naman si gaga. Pero ang luka! Nakaluhod habang nag-gigitara! Feel na feel pa ang paghe-head bang! Patayin ko na kaya to?!
"Adik!" sabi ko sabay walk out.
Papasok na ako ng room ng makita ko ang dalawang panget na hanggang ngayon ay nagsa-sambunutan parin! Kaloka!
"Hindi ba sumasakit ang mga anit niyo?! Ha!" sabi ko sa kanilang dalawa. Lumingon si Mimay sa akin sabay ngumisi. Aba! Nagawa pang tumawa ng bruhang to! Mukha namang palaka!
"Naka-head&shoulder ata 'to! Eh ikaw malanding Pipay? Anong gamit mong shampoo?!" sabi ni Mimay habang ginugulo ang buhok ng paniking si Pipay.
"Sa akin?! Yung PH care!" mayabang na sabi ng gaga. Yung totoo?! Sa pempem lang nilalagay yun! Kaloka!
"Mga mahaderang to! Tumabi nga kayo sa dadaanan ko! Ang pa-panget niyo!!" inis na sabi ko sa dalawang unggoy. Naghiwalay naman silang dalawa at dali-daling nag-suklay ng buhok gamit ang kamay. Siguro kung si Lala yan, aabutin ng taon bago lumambot ang buhok ng gaga!
"Uy! Pipay! Pahiram ako ng suklay pagkatapos mo ah! Naiwan ko yung akin sa bag eh!!" walang ganang sabi ni Mimay.
"Gagang 'to! Nag-aya makipag-sambunutan tapos wala kang na-prepare na suklay?!" sabi ni Pipay. Ano ba 'yan! Hiraman portion? It's so kadiri!
"Tumabi nga sabi eh!" sabi ko sabay lumakad na ako papunta sa room, diary! Nai-stress ang beauty ko sa dalawang homosapiens na yun! Kaloka!
Nakaupo na ako sa aking pretty chair pero wala pa rin si Lala. Anyare kaya sa bruhildang yun?! Baka inalipin na naman ni Sic baby!
"ArnieBayo! Musta ang bunganga natin?!" bati ko sa kabayong nasa harapan ko.
"Eto, mabaho pa rin!" mabilis na sagot niya. Aba! Honest ah! Tatayo sana ako para mag-cr ng dumating ang matandang hukluban na prof namin! Ano ba yan! Wrong timing ang panget na 'to!
"Class! Sit down!" sabi niya sabay may hampas-hampas portion pa gamit ang pinaikot na libro.
"May bago kayong kaklase! Pasok na, Ms. Scott!" sabi ng matanda sabay may isang babae na pumasok. Oo! Isa lang siyang babae! Ayoko mag-explain at baka matalbugan niya ang beauty ko noh! Kaloka! Ang dami agad ng mga bubuyog ditey!
"Taray! Ang ganda ng hair!"
"Hindi lang hair, pati ang feslak niya!!"
"Pakipot pa! Sabihin mo na lang na maganda talaga siya! Eechos pa eh!"
"I-nominate agad yan, as a Muse!"
Argggghhh!! Hindi pwede diary!! AKO dapat ang muse! Hindi pwede ang echoserang babaeng yan! Huhuhu! Hindi pwede ma-itchapwera ang mala-Miss Universe na feslak ko!!
"Sexy, gorgeous, hot and pretty...Ipakilala mo ang sarili mo Ms. Scott" sabi ng matandang hukluban. Ang libog ng prof na 'to ah! Kaloka!
"No need! Pinakilala mo na ako eh! Pero kung mapilit kayo...I'm Kaisey Scott!" sabi niya sabay ngumiti ang bruha dahilan ng pagkaka-himatay ng mga boys sa room. Yung totoo? Ang OA ha?! Ang chaka naman! Psh!
"Ah...Ms. Scott, humanap ka na ng vacant seats diyan!" sabi ng matanda habang naka-tingin sa legs ng impaktang babae.
"Thanks sir!" sabay nag-salute siya. asf@fh%*€!! Pa-cute ampota! Pakyerns!
Ginulo ko ang aking shining black hair sa inis. Nakaka-sora ang feslak niya! Siguro kung nandito si Lala, kanina pa niya nilalait ang bruhang yan!
"Mind you, if I sit here?!" sabi niya with matching sparkle sa panget niyang mata. Anong meron?!
"Che! May choice ba aketch? Hindi ko naman binili yan eh!" mataray na sabi ko sa bruhildang ito.
"So...Pwede na akong umupo?!" nakangiting sabi niya. Ang kulet naman ng gagang itey!
"Ay hindi pwede! May password yung upuan eh! Mag-vertical ka muna una ulo bago umupo! Kaloka naman 'to! Gusto paulit-ulit?!" inis na sabi ko. Narinig ko naman na tumawa siya. Pinilosopo ko na nga, tumawa pa ang gaga! Pwede na siya sa #BoomTanga!! Promise!
Nakakainis diary! Ang chaka niya pero pretty! Arggghh! Ano ba talaga?! Sasampalin na kita, diary?! Echos lang! Mahal kita! To the nth power and in infinity and beyond! Buzz light year! Toy Story ang peg?!
Nai-inggit sa beauty,
Charlotte!
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Bakla (Ang Feelingerang Froglet)
HumorPaano kung ang isang BAKLA ay naging isang tunay na BABAE? (Hello! Marami namang ganon eh! Sumasali pa nga sa "Super Sireyna"!!) Eh paano naman kung na-inlove siya sa isang BABAE? Magiging tunay na LALAKI kaya siya?! (JEEEZ! Wala bang maisip na mati...