Chapter 3

590 35 13
                                    

Gabby’s POV

 

Hi everyone! I’m Gabby. Gabby Reyes. MBT. DLSU. Hihi. Wala lang, gusto ko lang magpakilala. Para friends tayo, diba? Hihi.

Anyways, nakatambay ako ngayon sa school. Free cut eh. Walang magawa dahil ang iba kong friends may mga klase pa. Hayyy, sana naman may makasama ako ngayon. Hmmmm, sa mga ganitong pagkakataon namimiss ko si Ara.

Oo si Ara. Last term kasi, halos sabay ang vacant schedules namin kaya lagi kaming magkasama pag tumatambay dito. Grabe ang bonding namin noon. Dahil sa kanya, hindi ko na naituloy ang balak kong maghanap ng girlfriend. Sa kanya ko nahanap yun. Sobrang naattach ako sa kanya. Malaking pagbabago ang dala niya sa buhay ko. Ngayon medyo busy na ang baby ko eh. Daming career. Daming responsibilities.

Masasabi kong komportableng komportable ako kay Ara. Magkasundo kami sa halos lahat ng bagay. Sabagay, lahat naman kaming boys, kasundong kasundo siya. May pagkaboyish din kasi. Buti nga din mabilis siyang naging at ease sa amin. Naging barkada namin siya agad. Actually silang lahat naman ng Lady Spikers. Lalo na ang bullies. Pinakaclose lang siguro talaga kami sa kanya. Masyado kasi naming binibaby eh. Lalo na ako. Mahal na mahal ko yang si Ara. Makikipagpatayan ako para jan. I’m serious. I owe her my life. Well, I would say she has become my life.

Speaking of Ara, ayan nakikita ko na siya. Mukhang kakalabas lang sa building ng class nila. San kaya papunta to? Magulat nga. Haha…

Bago pa man ako makalapit, mukhang naunahan na ako. Nakapalit na sa kanya si…

“Idol!” harang ni Thom kay Ara na ikinagulat ng huli.

“Ano ba Thom! Papatayin mo naman ako sa nerbyos niyan eh!”

“Sorry na. Ikaw kasi eh. Masyado kang nagmamadali. Hindi mo na tuloy ako napansin.”

“Hindi ako nagmamadali! Sadyang maliit ka lang talaga kaya hindi kita napansin!” hahaha! Iba ka talaga Victonara.

“Ah, maliit pala ha? Halika dito.” Inakbayan siya ni Thom at isinubsob sa dibdib nito habang kinikiliti ang tagiliran. Ikot sila ng ikot habang umiiwas si Ara na hagikhik ng hagikhik.

“Thom! Ta- hahaha –ma na hahaha ka – shi!” Umiikot pa rin silang dalawa. Tawa ng tawa. Ang saya nilang tingnan. Ang saya pakinggan ng mga hagikhik ni Ara.

Yan din ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya eh. She is always just herself. Never nagpretend yan, never nagpademure. Kung ano siya, yun siya. Tumatawa ng malakas pag masaya, tumutunog ang tiyan pag gutom, nagbaburp pag busog. Hindi ko nakitang na conscious yan sa itsura niya. Well, wala naman kasi siyang dapat ikaconscious. Pag dating sa kanya, simplicity is beauty.

Tumigil na si Thom sa kakakiliti sa kanya. Magkaharap sila ngayon habang hawak ni Thom ang dalawang kamay ni Ara, pinipigilang gumanti.

“Ano ka ba Thomas! Ang harot mo talaga! Mamaya may makakita sa atin, issue na naman.” Natatawa pa ring sabi ni Ara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU (A ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon