Chapter 2

611 27 16
                                    

Jeron’s POV

Papunta kaming gym ngayon. It’s Monday morning at practice na naman in 2 hours. Maaga aga kaming pupunta, gusto kasi naming mapanuod ang practice ng Lady Spikers. Grabe ang intensity ng trainings nila ngayon. Alam mong they’re trying their hardest na mas gumaling pa ang team. May pinaghuhugutan eh. Ganun naman talaga. May gusto silang patunayan ulit next season. Lalo na ang team captain nila.

“Hey bro! You’re smiling na naman. Baliw lang?” Hirit ni AVO.

I’m with AVO, Thom and Gabby. Like me, naging habit na rin ng tatlong to na manuod ng training ng girls. Actually naging attached na rin ang tatlong to sa girls, like me ulit. Naging magbabarkada na kaming lahat, thanks to Babes and ate Aby.

“Ako na naman? Look at that guy beside you!” I urged him, pointing at Thom. Ang bansot kasi, nakangisi din. Nakarating na kami sa gym ngayon.

“Ah, kaya naman pala.” Hirit ulit ni AVO.

The gym was almost empty. Sina coach Ramil at coach Noel nalang ang naiwan sa court. At ang mukhang dinidikdik nila na player ngayon. Ang kanilang kapitan.

“Hindi pa rin Ara eh!  Try mo pang mas patusok. Yung tira mo kahit pumasok, makukuha pa rin eh. Sige isa pa.” I heard coach Noel shout. I saw her pout. Urggg, too cute.

“Oi, pareng Gabby! Hinay hinay sa pagtitig, matunaw yan.” I saw AVO gently slapped Gabby’s face. “Wait till later, masosolo mo din yan.” At tumawa pa ng nakakaloko ang mokong.

“Urggg, I’m so sorry. Can’t help it. Ang cute ng baby ko eh.” Gabby flashing his nakakalokong ngiti.

“Yeah, we know your baby is cute. Tara let’s sit.” Yaya ni Thom.

We went to the bleachers kung saan andun ang bullies, pinapanuod si Ara.

“Hey guys! Mukhang dinidikdik si kapitan ah?” Bungad ni Thom sa girls. Nakipag-appear naman kaming lahat sa kanila.

“Oo nga eh. Kanina pa yan. Mukhang pagod na pagod na si Arabelles namin.” Kim

“Kanina pa ba kayo tapos?” I butted in.

“Yup. Mag-iisang oras na. Extra hours lage for Ara eh. Hours ha, kaya malamang mamaya pa matatapos yan. Mamaya pa training nyo diba?” Carol.

“Yeah. Mga in two hours pa siguro. Kawawa naman si Ara.” Sabi ni AVO at tumingin sa direksyon nila Ara na patuloy pa ring pumapalo mula sa backrow.

“The perks of being team captain. Libre ko nalang yan ng lunch mamaya.” I said.

“Yown!! Hahaha! Paano ba yan, maabswelto na naman ako neto! Thanks Jeron! Love you!” Pumalakpak pa itong si Mika. Mukhang may utang na naman tong lunch kay Ara ah.

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsmirk ni Thom. Anong problema ng mamang to? Sanay na dapat siya ah.

“Love mo pa rin kahit friendzoned ka, bully?” Hirit ni Cienne. Nagtawanan naman silang lahat.

“Syempre love ko parin yan. Kahit sobrang sakit mafriendzone.” She winked at me.

“Yun oh! Ano to, aminan na?” piped in Camille. “Iba ka talaga Miks!”

“Hay naku Cams, matagal na akong umamin. Ikaw Je, wala ka bang aaminin? Hahaha!”

“Sira ka na Wafs! Tama na nga yan. Pulang pula na si Teng oh!” Hirit naman ni Kim. “Coach, pwede bang pagpahingahin na muna yang si Victonara? Mukhang malalagutan na eh. Hehehe. Suggestion lang naman po.” At nagpeace sign pa kay coach.

Kumunot naman ang noo ni coach Ramil pero mayamaya ay.. “Sige Ara, water break muna. 5 minutes.”

“Yun! Lakas mo talaga kay coach, Fajardo!” Sigaw ni Gabby. Tumalon ito mula sa railings ng bleachers at sinalubong si Ara na may dalang towel.

YOU (A ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon