Mr. Bida meets Ms. Extra

4.3K 30 11
                                    

Hi po :)) This is my second time writing a story here, yung first po nasa ibang account. He he. I dicided to write this story kasi po I super love JaDine, so I told myself why not make a story na sila ang bida. So sa lahat po ng JaDine fans out there, sana po basahin at magustuhan niyo. *hart hart* (Ang storyang ito ay imagination ko lang, pwera ang mga pangalan ng characters)

PS.

Baka po mejo matagal tagal pag nagupdate ako kasi I'm very busy, I'm currently reviewing po kasi for my board exam (please pray for me guys). Hope you'll understand. Thanks =))

Roses are red

Violets are blue

Ang poem na tu

Walang kinalaman sa kwento Ku....... :))

Pinagkakaguluhan...

Inaabangan...

Pinipilahan...

At iniidolo ng karamihan...

Yan, yan ang mga bagay na hindi mangyayari sa akin.

Paano ba naman kasi eh isa akong dakilang EXTRA...

Pero sabi nga nila, "Extra ngayon, Bida bukas". Bwahahahaha!! Kaya di ako nawawalan ng pag-asa na balang araw sisikat din ako.

Pero paano kung sisikat nga ako pero di dahil sa galing ko umarte, kundi sa intriga. Hayss nakakainis kasi tong si Mr. Bida eh, dahil sa kanya nagulo ang buhay ko....

Chapter 1

Oh ano ba ang nadarama?

Wag ng paligoy-ligoy ligoy

Paligoy-ligoy pa

Yan ang wake up call ngayon dito sa bahay ni kuya.. 'de joke, ring tone ko yun he he. Nakakainis, sino ba kasi yang tumatawag eh ang aga-aga. Panira naman ng tulog to eh. Tss

"Wala yung may ari ng cellphone, nagmigrate sa mars." sabi ko ng nakapikit parin sabay patong ng unan sa mukha ko para di marinig yung ring tone.

Pwede ba, wag ka ng mag drama

Wag ng paligoy-ligoy ligoy

Paligoy-ligoy pa

"Ahhhhhh sinabi ng nagmigrate na ako sa mars eh. tsss" naiinis na sabi ko. Pero dahil hindi parin tumigil sa pagtawag yung bwisit na tao, kung sino man siya, ay nagdisisyon akong sagutin nalang. Tinanggal ko any unan sa mukha ko at kinapa-kapa ang cellphone ko sa bedside table at sinagot ito habang nakapikit parin.

"Hello." walang ganang sabi ko. Pero bigla akong na pa mulat at napabagon mula sa pagkakahiga ng malaman kung sino yung tumawag at bakt siya tumawag.

"Weh di nga?? Seryoso po kayo? As in no joke??" di makapaniwalang tanong ko.

"Wow. Grabe maring salamat po. Promise di po kayo magsisisi sa pagpili sa akin. Thank you po talaga." masayang sabi ko at binaba na niya yung phone.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko habang tumatalon sa kama.

"Bakit ka anong nangyari? Nasaan ang sunog? Sunog! Sunog!" nagaalalang sigaw ni mama. Bigla bigla na lang pumasok sa kwarto ko, naalarma ata sa sigaw ko haha.

"Ma OA lang? Pagsumisigaw sunog agad? Sunog?" sarkastikong sagot ko sakanya na may kasama pang hand gesture at buka ng paa tapos nagsmile ng konti.

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon