MBmME 5

877 27 12
                                    

Chapter 5

Pahinga kami sa shooting ngayon. Mabuti ngayon eh, di ko makikita pagmumukha ni James. Hmmm

Lumabas ako ng bahay para pumunta sa sari-sari store malapit sa min para bumili ng soy sause para sa adobo ni mama. Habang naglalakad ako, may grupo ng girls na nagchihismisan. Tanghaling tapat, chismisan ginagawa ng mga to. Wala ba silang ibang gagawin. Hayssss

Di ko sana sila papansinin kaya lang parang ang sama ng tingin nila sa kin. Bakit kaya, may ginawa ba ako sa kanila? May kasalanan ba ako? Tong mga to, parang ewan. Hayaan ko na nga lang sila. Tssss

Ng nandon na ako sa store, "Aling Maring pabili nga ho ng soy sauce." sabi ko sa tindera.

"Ikaw pala yan Nadine, ikaw ah di mo sinasabi, eh sikat pala boypren mo eh. Oyyyyy!!!!" sabi niya sabay kuha ng soy sauce then binigay sa kin. Teka, ano daw boyfriend? Sikat? Ano naman pinagsasabi ni Aling Maring??

"Ho?" nagtatakang tanong ko. Sasagot na sana si Aling Maring ng may sumabat, yung mga girls kanina na nagchichismisan.

"Hoy Nadine, is it true?" tanong nung isa, akala mo kung sino maka english.

"Anong is it true?" nakakunot noong tanong ko.

"Wag ka na ngang magmaangmaangan, alam na ng buong bayan noh." sabi naman ng isa sabay tulak sa kin ng very slight.

"Eh di ko naman talaga alam sinasabi nyo eh, pwede ba tigilan niyo nga ako." mejo naiinis na sabi ko.

"Oy tantanan niyo nga si Nadine, hayaan niyo na lang siya. Di naman nya kayo inaano." pagtatanggol ni Aling Maring sa kin.

"Salamat aling Maring ah, sige ho alis na ako." sabi ko at umalis na. Pero parang ayaw talaga akong tantanan ng mga chaka girls at sinundan pa talaga ako.

"Wag mo nga kaming talikuran pag kinakausap ka namin. Anong akala mo sa sarili mo sikat, eh extra ka lang naman. Pasalamat ka nga nalilink ka kay James kaya pinaguusapan ka ngayon." ano daw nalilink??

"Anong nalilink, di ko magets sinasabi nyo." naguguluhang sabi ko.

"So wala ka talagang alam?" tanong niya, umiling naman ako bilang sagot.

"Oh M, wala ba kayong TV or internet kaya di mo alam. Shakkksssss!!!! Well sasabihin ko nalang sayo. May kumakalat na picture nyo ni James my love sa social media na magkaholding hands at sumakay ka pa sa kotse niya at dahil dun sinasabi ng lahat na ikaw ang new girl friend niya. Girl friend ka nga ba niya talaga?" pasigaw na tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. May picture kami?? Pero ano namang picture yun? Holding hands? Kelan ba kami nagholding hands?? Isip isip isip.............

Ting!!!

Di kaya nung hinablot niya ang kamay ko papunta sa kotse niya??? Baka yun yun, eh diba maraming nakakita nun?? Baka sila ang nagpost???

Dami kong tanong noh.... Bumalik lang ako sa realidad ng nagtanong ulit sila.

"So ano nga, kayo ba??" parang galit na tanong niya.

"Hindi noh. Ni hindi nga kami magkasundo eh tapos magiging kami pa. Malabo maging kami. Wag nga kayong magpapaniwala sa mga issue na ganyan, gawa gawa lang nila yun." sagot ko.

"Eh pano mo maipapaliwanag yung picture?" tanong ulit nila.

"Ah ano ahmmmm...... Edited, oo edited yun. Alam mo naman ngayon, isang click lang hehehe." palusot ko.

"Mabuti naman at hindi totoo. And isa pa, di naman talaga kami naniniwala na kayo eh. For sure di ka niya type, di ka marunong magayos sa sarili mo, wala ka ngang boobs eh. Hahahahaha." at nagtawanan silang lahat. Kung makapang lait naman ang mga to, retokada naman sila. Tssss

"Wait, wag na wag kang magkakamaling lapit lapitan siya kundi lagot sa samin. Amin lang si James ok!" sabi nila at naglakad palayo.

"Wag na wag kang magkakamaling lapit lapitan siya, sa amin lang si James." ginaya ko yung sunabi nya na parang ang arte arte. "Sainyo na yang James niyo, isaksak niyo pa sa malaki niyong boobs na mas malaki pa ata sa ulo niyo. Tsss!" mejo pasigaw na sabi pero di na ata nila narinig kasi patuloy parin sila sa paglakad palayo.

Pumasok na ako sa bahay at binigay kay mama yung soy sauce na pang wala sa sarili, iniisip ko parin kasi yung sinasabi nilang picture.

"Oh anak, parang wala ka sa sarili mo? Ok ka lang ba? Napagod ka pa sa pagbili? Eh ang lapit lapit lang naman ah." di ko parin pinansin si mama at patuloy sa pagiisip.

"Tignan mo tong babaeng to, nabuang na ata." sabi ulit ni mama.

"Grabe ka naman ma, parang nagiisip lang buang na agad??" sagot ko.

"Eh ano ba kasing iniisip mo at napaseryoso ng mukha mo ha?" tanong niya.

Napakamot muna ako ng ulo saka sumagot. "Wala yun ma, di importante. Sige ho sa kwarto muna ako."

"Di daw importante, pero mukha napakaseryoso. Baliw!" ma kanino pa ako magmamana ng kabaliwan, edi sa inyo :))))

Pagdating ko sa kwarto ko, pabagsak na humiga ako sa kama at tumunganga lang sa kisame. May nakita akong dalawang butiki, isang pink at isang blue, nagdedate ata sila eh. Hayyyy kung ano ano na nakikita ko, parang tama si mama, baliw na ako. Oh no!!!!

Napabangon ako sa pagkakahiga ata tumingin sa salamin. Wala ba talaga akong boobs???? "Nipples lang ata to eh, ang liit. Buti nalang maganda ako kahit papano may pambawi. Hihihihihi!!"

Oy Nadine tama na nga yang mga iniisip mo, ang dapat mong isipin ngayon ay ang kumakalat na issue tungkol sa inyo ng James na yun.

Napaupo ako sa side ng kama, "San ba kasi galing yung picture na yun??? Kung malaman ko lang kung sino nagpost nun, nakoooo titirisin ko talaga siya at tatadtadin ng pinong pino. Grrrrr!!! naiinis na sabi ko.

"Grabe di pa nga ako sikat, may issue na agad???? Haysss!!!" Pero teka, alam na kaya ito ng kumag na yun??? Baka naman akalain nya ako ng post nun, eh iba pa naman takbo ng kokote nun. "Isang kahihiyan to, ano nalang sasabihin nila sa kin, baka akalain ng ibang tao ginagamit ko sya para sumikat ako. Ohhhhhhh!!! Lord, ano bang ginawa kong kasalanan at pinaparusahan mo ako ng ganitooooooo!!!?" parang nagmamakaawang sabi ko.

"Kasalanan kasi to ng kumag na yun eh, kung sana di nya ako hinablot hablot edi wala sana kaming picture. Bwisit talag kumag na yun kahit kelan. Hayyy." wika ko sabay kuha ng unan at sinuntok suntok.

Rikiting....rikiting.....

Message alert tone ko yun, pangit ba??? Ok lang maganda naman yung may ari. Booommm panes!!!!! Hahaha

Kinuha ko ito at binuksan ang message.

Nagulat ako sa nabasa ko. Oh nohhhh bakit kaya nila ako pinapapunta??? Di kaya dahil sa..............................

...............

Sino kaya ang nagtext kay Nadine at ano kaya ang sinabi niya??? Abangan :))))))

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon