MBmME8

733 27 15
                                    


Chapter 8

Hayy last day of shooting for me. Tatlong scenes na lang kasi yung natitirang scenes na kasama ako na kukunan today. Dahil last day ko na to I'll make sure na gagalingan ko at magiging memorable at masaya ito.

"Why is that girl, no, that thing here in my tent"?

Pagtingin ko sa likuran ko..... Pak! Kasasabi ko lang na memorable at mayasa, eto at Mabi-BV na naman ata ako ng di oras.

Nalimutan ko, kasama pala namin ngayon sa shoot si Ms. U.K. Kung minamalas ka nga naman. Hayssss

"Ah kasi Ms. Yassi wala na po kasing ibang tent eh kaya dito po muna siya, tutal po konting scenes na lang din ang kukunan." parang natatakot na sagot nung staff, yung mabait na staff na beki, naalala niyo??

"So what are you trying to say? Na share kami ng tent? No way!" kung maka no way naman to para namang may nakakahawa akong sakit. Hoy bruhang lumaklak ng sangkatutak na gluta, FYI ayaw din kitang makasama no. Baka mahawa pa ako sa sama ng ugali mo.

"Ah kasi p....." naputol ang sasabihin ng sfaff ng magsalita ulit si Yassi.

"Gawan niyo ng paraan to kung hindi, aalis ako dito at hindi na gagawin ang movie!" nanakot pa ang bruha, edi umalis ka kung gusto mo mabuti nga yun eh para mawala na ang badvibes dito che!

"Ah ako na lang ho ang aalis, tutal nakaayus na rin naman ho ako at wala na naman akong gagawin dito sa tent." pak! pahumble ang lola mo. kyaaaaa!!!

"Yun naman pala eh, edi umalis ka na!" sabi ni Yassi saka umirap sakin. Bwisit talaga ng babaeng to, kung anong kinaganda ng mukha yun naman ang kinapangit ng ugali haysss.!!

Paglabas ko ng tent bumungad sakin ang mga fans nina James at Yassi. Ang dami nila ah, very supportive. Ano nga ulit yung name ng loveteam nila..... Ahhhh JaSsi. Corny! Mas bagay JaDine. JAmes and naDine, JaDine. Pak , lovetam na itoooo! Teka! kung anu ano naman pumapasok sa isip ko. Erase, erase, erase.

Bat ang sasama ng tingin ng mga fans nila sa kin??? Kung tignan nila ako para nila akong binabalat ng buhay ah. Nanliliit tuloy ako.

Dahil siguro ito sa issue between us ni James. Well di ko rin naman sila masisisi, fans sila eh. Pero tama bang ganyan sila tumingin, pagsusungkitin ko mga mata niyo eh...

After ilang minutes, nasimula na kami magshoot. Kaloka to may scene nga pala kami ni bruha. At eto pa ang mas nakakaloka, friends kami sa movie... Oh diba sino ang hindi maloloka nyan eh kabaliktaran sa real life eh. Hay nakooo.

"And cut! break muna tayo kahit 1hour lang." sabi ni derek.

Break? Teka saan naman ako tatambay ngayon eh pinalayas ako sa tent. Tsaka ayoko nga dito tumambay, nanjan mga fans ng JaSsi eh. Bahala na nga malaki naman tong bahay maghahanap na lang ako ng spot na walang tao.

Lakad. Lakad. Lakad.

Yun may fountain? Huh? Fountain? Eh para namang swimming pool to eh, ang laki. Swimming kaya ako, ang init eh.

Hubad. Hubad. Hubad. Yan naka bra ant panty nakang ako. Sexy ko talaga. Waist line 24, hips 36, boobs toot toot toot toot toot syntax error, no file found.

Ang hard ko naman sa self ko hahaha. Pero joke lang yung nag hubad ako, di ko kaya yun noh. Conservative kaya ang lola mo. hahaha

Umupo ako malapit sa may fountain at kinuha ang phone ko sa bulsa. May wifi?? At ang maganda, walang password. Internet na itooooo.

Pagbukas ko ng twitter ko, halla ang daming notif at mga mentions. Tinignan ko yung iba.

'@kemberloo_: Malandi ka, kay Yassi lang si James!'

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon