MBmME 7

786 23 1
                                    

Chapter 7

Nandito na kami sa venue ng presscon. Grabe kinakabahan talaga ako, di ako mapakali, ihing ihi na nga ako eh at tsaka tagaktak na din pawis ko. Di ko nga alam kung kaba ba talaga tong nararamdaman ko o natatae lang. Haysss basta di ko maipaliwanag.

"Bat ka pinagpapawisan at tsaka bat di ka mapakali? Ganyan na ba talaga ang epekto ko sayo, grabe ah crush mo talaga ako noh." eh sino pa ba yung nagsalita, eh di si hari ng yabang.

Tinignan ko sya ng masama at, "Kapal ka talaga noh, try mo kayang magpakahumble minsan. Hmm." di na sya sumagot ngsmirk lang siya.

Lumapit sa amin si Ma'am Dragon, dragon talaga ang ginamit kong name no. Ehhh bakit ba dragon naman talaga siya keber. Hihihi

"Ok ready na ba kayo? In 1minute lalabas na tayo at nanjan na lahat ng press." sabi niya sa min. "Ahhh Nadine, ayusin mo nga yang sarili mo para kang dinaanan ng buhawi." buhawi??? Ganun ba talaga kasama ang idchura ko ngayon, eh sa kinakabaham talaga ako eh. At etong lolo mo naman natawa sa sinabi ni dragonfly. Hampasin ko kaya to ng high heels ko. Tsss

After ko ayusin ang sarili ko ay lumabas na kami. Grabe ang daming press people mas lalo tuloy akong kinabahan. Paglabas na paglabas namin bumungad agad sa min ang mga flash ng camera. Di ko nga alam kung magpopose ako o kunwari wala lang. Haysss hirap pala nito.

"Hello everyone, thank you for coming today. Alam naming busy kayong kahat but you still cames so thank you talaga." pambungad na speech ni ma'am dragon. "So we can start na." sabi niya ng nakasmile. Kung makasmile akala mo hindi dragon. Hmmm

Press: Hi Nadine!

Oh M bat ako una nilang tatanungin? Baka di ko masagot mga tanong nila.

Ako: Ah hi po. (kinakabahan)

Pres: Maganda ka pala sa personal no, kasi sa nakita ko sa kumakalat na picture niyo ni James hindi masyadong clear eh.

Ako: *Insert ngiting aso here*

Press: Mukhang kinakabahan ka ata? Wag kang kabahan di ako nangangain. Hahaha.

Dragon: Sorry ah, alam naman natin this is her first time na umattend ng presscon kaya mejo kinakabahan siya. Hehehe

Press: Ah ok. So this is my question, what can you say about sa picture niyo ni James na kumakalat? Ikaw ba talaga ito na ka holding hands ni James?

Oh no ano kaya isasagot ko, magsisinungaling ba talaga ako or magsasabi ng totoo. Think Nadine, think......

Ako: Ah ano kasi, kasi......

James: Yes, it's true. Si Nadine ang kasama ko sa picture. And yes magkaholding hands kami.

Nagbulung-bulongan na lahat ng press people dahil sa sagot ni James. Ako naman mejo natataranta na.

Press: Si Nadine ang gusto naming sumagot sa question, so ikaw nga yun Nadine?

Ay alangan namang sabihin kong hindi eh sumagot na tong si ugok, di ko naman pwedeng iwan ito sa ere. Kaya bahala na.

Ako: Ahm opo ako po yun.

Nagbulung-bulongan ulit sila.

Press: So ibig bang sabihin talaga nito na may namamagitan na sa inyo?

James: Nadine and I are just friends. Pwedeng di kayo maniwala sa sinasabi ko but ok lang pero totoo talaga na we're just good friends. Kilala ko na siya before pa ako nagshowbiz. And nagulat nga ako nung malaman ko na part siya ng movie.

Press: Kung friends lang kayo bakit kayo magkaholding hands?

James: Di naman siguro bawal magholding hand ang magkaibigan diba Hehe. I was just being a gentleman, inalalayan ko lang siyang pumasok sa kotse ko kaya nakahawak ako sa kamay niya.

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon