MBmME 10

698 24 10
                                    

Sorry po if ngayon nalang ulit ako nakaupdate :))

Chapter 10

Kanino kaya galing to? Bakit kaya nya ako binigyan? Di naman kaya si boss Vic ang nagbigay, kasi balita ko madalas magbigay ng regalo yun sa mga artista niya eh? Pero kung siya nga, bakit di man lang niya nilagay ang pangalan niya? Oh baka naman galing sa mga fans ko? Alam niyo na mejo sumisikat na ang lola mo eh. Hihihi!! Ay nakoooo puro ka naman kalokohan Nadine, kung ano ano na naman naiisip mo. Tsss!!

Yan, yan ang mga tunatakbo sa isip ko habang seryosong pinagmamasadan ang cellphone na bigay sakin ng di ko mawari kung sino.

Grabe kanina ko pa talaga iniisip kung sino ang pwedeng magbigay sakin nito. Nakakabobo na nga eh, para na akong tanga na nakatitig lang sa cellphone. Sino ba kasing hinayupak ang magbibigay ng ganitong kagarang cellphone na di man lang nagpakilala. haysss

Oyy Nadine, grabe hinayupak talaga? Ikaw na nga tong binigyan ng cellphone, ganyan ka pa magreact.

Hayy sabi sa inyo nakakabaliw na ang pagiisip, pati sarili ko inaaway ko na hahaha.

Criiinggg..... Criiinggg.... Criiinggg...

Bumalik lamang ako sa realidad ng magring ang cellphone. Oo, may kasama ng sim yung cellphone. Kumpleto na nga eh, may casing, monopod pati yung pangunder water chuchu basta yun na yun di ko alam nag pangalan eh.  Oh diba, san kapa?

Nang tignan ko kung sino ang tumatawag, "Unknown?". Ay nakoo Nadine, syempre unknown, eh wala ka pa kayang nasesave sa contacts. Minsan may pagkaeng eng din ako eh, buti nalang maganda ako. Hahaha

"Baka yung nagbigay ang tumatawag?" tanong ko sa sarili ko then sinagot ko.

"Hello?" malalumanay na sabi ko.

"So how do you like your new phone?" sabi ng nasa kabilang linya. Teka parang pamilyar boses nito ah. San ko na nga ba narinig ang boses na to? Sa pagiisip ay di na ako nakasagot sa kanya.

"Hey Otap are you still there?" tanong niya. Ano daw? Otap? Iisa lang ang tumatawag sakin ng Otap ah, wag mong sabihing si.......

"JAMES?" sigaw ko sa kanya.

"Ahhh, bat ka ba sumisigaw? Di naman ako bingi." pasigaw ding sagot niya. Ay hinayupak si Halimaw nga.

"Ikaw ba nagbigay sa kin ng phone?" naiinis na nagtatakang tanong ko.

"Syempre ako. Sino pa ba ang ma........" di ko na pinatapos ang sasabihin niya kasi binaba ko na.

Bwisit siya pala ang nagbigay ng phone na to. Bat di ko naisip yun? Kung alam ko lang sana na galing sa kanya hindi ko tatanggapin, baka isipin pa nun na papatawarin ko siya dahil sa cellphone. Ano ako, cheap. May dignidad din naman ako noh... Tsss

Nagring ulit yung phone, peri di ko na sinagot. Ayoko ngang makausap yung ugok na yun, kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Di parin tumigil sa pagtawag si ugok, "Si tumawag ka lang, mamatay ka sa kakahintay sa pagsagot ko. Buti nga sayo. Hmmm!" sabi ko na parabang kinakausap yung phone.

After siguro mga ilang miss calls, napagod na si ugok sa katayawag kaya tumihil na. Buti naman, nakakainis na kasi siya eh. Grrt!

Pero teka, anong gagawin ko dito sa cellphone na to? Akin na lang kaya, tutal binigay na naman siya sakin eh.

Hmmm ayoko nga, kung galing din lang naman sa kanya wag na lang noh. Pero ano ngang gagawin ko dito? Ahhhhh isosoli? Tama, isosoli ko nalang to kay kumag.

Pero teka ulit, paano ko naman to isosoli eh di ko nga alam kung saang lupalop ng pilipinas yun? Ah baka nasa shooting siya bukas? Pero saang location? Baka out of town? Hayy pamasahe na naman. Bahala na nga!!!!

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon