MBmMB 12

724 25 16
                                    

Sa mga solid JaDine fans and Directioner jan, follow niyo ako sa IG and twitter @SssaCy. Magkwentuhan tayo tungkol sa kanila :))))

Ok tama na ang kakaplug ng accounts back to the story na tayo hehehe.....

Chapter 12

*Singhot singhot singhot*

Ang sarap naman ng amoy na yan, nagugutom tuloy ako. *singhot singhot*

Amoy hotdog, bacon and egg. Naglalaway tuloy ako. San ba kasi galing yang amoy na yan???

Nagising ako dahil sa masarap na amoy na yun. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame.

Teka, bat ko nakikita ang kisame eh diba nakaupo ako natulog. Dapat yung lapag ang nakikita ko.

Dahil dun ay nagulat ako at tinignan ang paligid.....

Ahhhhh nakahiga ako sa kama, teka ibig sabihin ba nito tabi kami natulog ni halimaw???

Ohh no baka may ginawa siya sa aking masama. Lord, meron nga ba??? Nako bat wala akong maalala.

Nadine, think think think....

Ahhhh wala talaga akong maalala. Di kaya habang tulog ako ginawa niya yung ano, yung.... alam niyo na!!!! Nakoooo pagnagkataon patay sa kin yung kumag na yun. Hayyyyss!!!

"Don't worry, nothing happened." nagulat ako ng biglang may magsalita.

"Ayyyy butete!!!" dahil sa gulat napabangon ako bigla sa pagkakahiga at nung macompose ko na ang sarili ko tinignan ko kung sino yun. Eh sino paba eh di si Mr. Bida!!!

"Anong pinagsasabi mong nothing happened?" kunwari di ko alam ang pinagsasabi niya.

"C'mon, alam ko ang iniisip mo. FYI, pinahiga lang kita sa kama ko dahil nahihirapan kang matulog ng nakaupo. Wag kang magassume na may nangyari." sabi niya then nagsmirk.

"Hoy di ako nagaasume no, nagulat lang ako kasi nakahiga na ako dito." sabi ko then imiwas ang tingin sa kanya.

"By the way, nagsasalita ka pala while sleeping." sabi niya. Ako nagsasalita? Ano kaya ang mga sinasabi ko?? Oo totoo, nagsasalita talaga ako habang tulog, sinasabi din sa kin nina mama.

"Ako nagsasalita, pano kaya yun eh tulog ako. Halerrr!!!" pagadahilan ko.

"Nagsasalita ka nga. Di mo ba alam yung word na sleep talking? Subukan mo kayang isearch sa internet, yun kung may internet kayo." nangaasar na naman ba to? Eh ano ngayon kung wala kaming net. Bakit mamamatay ba ako pag wala yun???

"Di nga ako nagsasalita eh, ang kulit mo talaga!" sigaw ko.

"You were sleep talking nga, sabi mo 'Ang gwapo gwapo mo talaga James. I love you!', you even pouted your lips after mo sinabi yun. Nakakadiri nga eh, magkatabi pa namn din tayo, muntik mo na akong mahalikan."

Toto kaya ang sinasabi ng ugok na to? Sinabi ko talaga yun? Ohhh no, Nadine bat ka ba kasi nagsasalita pag tulog eh....

"Ahhh alam mo, nangaasar ka na naman eh. Baka panaginip mo lang nun. Oh di naman kaya naghahallucinate ka kasi nga diba may sakit ka. Ganun daw yun eh." pagdadahilan ko.

"Naghahallucinate? Ano ako, baliw? Totoo nga yun. Do you like me that much at kahit tulog ka ako parin ang iniisip mo?" smirks

Ganun ko na nga ba siya kagusto at nasabi ko yun??? Teka, gusto ko siya?? Imposible with a captal I. Paano ko siya magugustuhan eh ang sama ng ugali niya.

"Pinaglihi ka ba sa kapal ng mukha??? Ilang beses ko ba sasabihin sayo na, WALA AKONG GUSTO SAYO!!!!" sigaw ko sa kaya tsaka hinagis ang unan sa direksyon niya.

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon