Prologue

227 10 2
                                    

Incredible Madness


Date Started: 05/01/14

Date Finished: --/--/--

(c) ShimmeringLocks

x---

//Prologue

Pagkamulat na pagkamulat palang ng mata ko sa umaga, habang kumakain ng tanghali, habang nag-memeryenda, habang nag-hahapunan, bago matulog… binabanggit ng labintatlong taon kong kapatid na si Amber ang mahal na mahal at kinababaliwan niyang idol. Si Ash Feinmann.

 

 

Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo... lahat ng gagawin ng kapatid ko ay may kinalaman kay Ash Feinmann.

Lahat ng lalabas sa bibig niya ay tungkol kay Ash Feinmann.

Kapag may isang bagay siyang nasabi bukod kay Ash Feinmann, asahan mong may koneksyon parin ‘yun kay Ash Feinmann.

Wala siyang buhay. Dahil ang buhay niya lang ay si Ash Feinmann.

Puro Ash Feinmann ang buong kwarto niya. Kumpleto ang koleksyon niya ng magazines at album at ni Ash Feinmann na halos dumugo ang tenga ko kapag naririnig ko dahil bukod sa sintunado, boses daga pa. May ilang fan pages si Amber sa twitter na dedicated kay Ash Feinmann. Tadtad ng Ash Feinmann ang buong phone niya-- mapa-gallery o mapa-playlist. Isang actor-singer si Ash Feinmann. Bukod sa ang panget ng boses niya, hindi rin siya marunong umarte. Nakakaurat. Hindi ko pinapanood ang tv shows niya kahit walang araw na hindi 'yun nag-trending. Sold-out concerts, three-time platinum artist, blockbuster movies, endorser. Pweh.

Hindi rin siya gwapo. Patpatin siya. Ting-ting. Butiking Pasay. Stick. Butu-buto. Pero baliw na baliw sa kanya ang kapatid ko at ang sambayanang Pilipinas. Everybody's talking about him and I'm so damn sick of it. Sawang-sawa na 'ko. Sukang-suka to be exact.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil nag-kukwento nanaman ang kapatid ko.

“STOP AMBER PLEASE!” sigaw ko na ikinagulat niya. “You know I hate him right? Just.. please stop. I don’t wanna hear any of this bullshit anymore.”

My sister is out of her freaking mind for pete's sake! Dahil sa Feinmann na ‘yan, paniguradong malalagay sa mental ‘tong kapatid ko.

At dahil rin sa Feinmann na ‘yan, paniguradong malalagay ako sa bilangguan because I swear, if I ever see that stupid Feinmann again, I’m going to kill him. I swear to God I’m going to kill that stupid creature once I see him and I will not regret it if I'll get rot in jail. Ever.

 And that faggotman with thousands and millions of fans adored so much from all over the country will be dead.

--

A/N: lol I'm back! With a new story! Sana may sumuporta neto. Pero sana matapos ko 'to.  This is not a suspense/thriller/horror omg. This is romance and humor. 

Incredible Madness [[On-Going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon