Tenth Madness

29 2 4
                                    

//10th Madness: The Fangirl's Side

Emerald's POV

Pumasok ako sa loob ng bahay este mansion namin ng nakabusangot ang mukha.

Pero mas lalong bumusangot ang mukha ko ng dahil kay Amber. Sumalubong ang kilay ko at gusto kong batuhin ng susi ng hot pink lamborghini ko ang tv.

Pinanlisikan ko ng mata si Amber dahilan para kunin niya ang mga unan sa sofa at batuhin ito sa'kin.

Sumigaw siya. "MAMAAA! Tuluyan nang naging monster si ateee! I knew it. Unti-unti na siyang nag-ttransform! AHHHH!" Hinarangan niya ng unan ang mukha niya. Dali-dali naman akong lumapit para..

"W-wag mo 'kong lalapitan! Waaahh. Mama!!!" Patuloy na sigaw niya.

Mas lalo akong lumapit para..

"WAAAHH!! ATE I STILL NEED TO MARRY ASH PLEASE DON'T DO THIS TO-- OUCH" Binatukan ko siya. OA niya eh! Kukunin ko lang naman ang remote para patayin ang tv dahil na 10x na yata ang pagka-hate ko kay Ash. TAPOS IPAGSASAMA PA KAMI SA IISANG MOVIE?!

*insert lahat ng mura sa mundo here*

Sobrang imbyerna ako ngayon baka tuluyan kong mapatay 'yang Ash na 'yan pag nagkita kami ulit. Being with him in a movie is probably the worst news ever.

Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv. Tss. Natahimik ang mundo ko ng wala nang sintunadong panget ang nag-iingay sa bahay.

Pinanlisikan ko ulit ng mata si Amber.

"Dont.." tinuro ko si Amber na yakap-yakap parin ang unan habang takot na takot, "you dare turn on the damn television." Inirapan ko siya at dumiretso na 'ko sa kwarto ko.

Badtrip na nga ako sa news ni manager, yung boses pa ng panget na mukhang alien na yun ang bubungad sa'kin? Gosh. Worst day ever.

Amber's POV

Bumuntong hininga ako.

Tiningnan ko yung na nakapatay. Wala na. Hindi ko na mapapanood mag-perform si Ash. Huhu.

Ano nanaman ba kasing problema ni ate? Ay teka. Bakit ko ba tinatanong eh alam naman ng buong bansa na hate na hate niya si Ash Babe ko. Pinatay niya ang tv dahil naririndi siya sa pagkanta ni Ash. Hindi, joke lang. Naririndi siya kay Ash mismo.

Lahat kay Ash, kinaiinisan niya. Bawat kwento ko kay Ash, pinapatigil niya ako agad. Bawat Ash Feinmann merchandise na meron ako, feeling ko susunugin niya any minute. Kaya nga may lock ang kwarto eh. Para hindi niya magalaw ang mga collection ko. Bawat minuto, bawat segundo, alam kong kung gaano ko pina-fangirl si Ash, ganun niya naman hine-hate si Ash Babes. Hindi ko ma-share sa kanya ang love ko para kay Ash Babe dahil pag dating na sa idol ko, binabara niya lang ako. Mahirap din ang kalagayan ko 'no. Walang nakakaintindi sa'kin.

Kahit sila mama't papa, naiinis na sa'kin dahil sobra na daw akong fangirl. Tipong pag nagpakamatay si Ash, magpapakamatay na din ako. Hindi ko naman maipaliwanag sa kanila na mahirap nang tanggalin ang nakasanayan. Apat na taon na akong fangirl ni Ash at hindi madaling bumitaw sa kanya. Inspirasyon ko siya. Siya lang ang nagpapangiti sa'kin kapag may problema ako. Kapag malungkot ako, manonood lang ako ng videos niya or makikinig sa mga songs niya. Tititigan ko lang ang poster niya pag dating ko sa school, pag-gising ko, bago ako matulog buo na ang araw at gabi ko.

Yung muntikan nang makulong si ate tapos dumating si Ash, sobrang kinilig ako nun kaya ako hinimatay. Pero ang swerte ko lang talaga dahil pag gising ko ay nandoon parin siya kaya hindi ko na talaga pinalagpas ang pagkakataong malapitan siya at makapag-picture sa kanya. Sobrang saya ko talaga nun at pinost ko pa sa twitter, instagram, facebook, ginawa ko pang profile picture. Super inggit ang mga froglets sa school namin. Kaya mas lalo ko silang iniinggit sa picture na 'yun! Mwahaha.

Tiningnan ko ang tv. Bawal daw buksan eh. Ang weak ko talaga pag dating kay ate. Lahat ng haters, walang takot kong kinakalaban pero pag dating kay ate natitiklop na 'ko. Siguro respeto narin dahil ate ko siya at mas matanda siya sa'kin ng limang taon. Pero dumadating parin kami sa point na nag-aaway kami dahil kay Ash. Hindi na mapigilan eh. Kasi minsan talaga, sumusobra na siya at nasasaktan na talaga ako sa pang-babash niya kay Ash.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko para doon manood. Tapos na kaya? Sige i-you-youtube ko nalang.

Binuksan ko ang tv and tentenenen.. tapos na nga. Pft.

Dumiretso nalang ako sa pc ko para manood sa youtube. Meron na kaya? Ambilis naman. Nag-open rin ako ng ibang tab para sa twitter at facebook. Pag search ko sa youtube, wala pang nag-uupload ng performance niya kaya dumiretso nalang ako sa twitter.

'Same day, same crap' I typed. Click. Tweeted!

Nag-scroll scroll ako hanggang may post na talagang nakakuha ng atensyon ko.

"Nation's hottest heartthrob Ash Feinmann and TaeTiSeo's leader Tiffany Wong to star in their first upcoming movie" I read. Omo! Ni-click ko yung buong article.

Tiffany Wong? Yung artistang isang buwan nang nawawala? Or dalawa? Ewan ko. Hindi naman ako fangirl niya nor a hater.

Nakalagay sa article na next week na daw magsisimula ang shooting.

Tsk. May ka-loveteam na si Ash babes pero sige. Let's give them a try.

Out of curiosity, nag-search ako sa youtube ng Ash and Tiffany videos.

"AshFany?" Great. May fandom name na agad. Ang dami na ngang fanmade videos.

I watched all of the videos and wow! I SHIP AshFany naaa!! OMG ANG LAKAS NG CHEMISTRY NILA KAHIT WALA PA ANG ACTUAL MOVIE!!! KYYAAHH! THIS IS HART HART!!

'Hashtag AshFany' I typed. Clicked... and tweeted!

#AshFany is trending?! OH MY ASH. Feels. I'm super duper excited na sa movie nila. I bet suuuper nakakakilig yun! Sobrang bet ko na silang dalawa. Kilig much.


AshFany for the win!

---
A/N: Whoops. Haha ano kayang reaksyon ni Emerald kay Amber na AshFany shipper na? XD

Incredible Madness [[On-Going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon