Fifth Madness

40 2 1
                                    


//5th Madness: Girl Bond

"No." I pulled the last petal and threw the flower on my bed. I hurriedly went to the garden and was about to pick some more flowers but I nearly jumped when I heard mom shouting my name.

"Emerald! What are you doing, dear? It's already 10 in the evening! Stop pulling all the flowers in here, you're ruining the garden and go back to sleep!" She exclaimed like I was some kid who doesn't want to sleep.

"Y-yes, mom. I... was just.. um.. trying to make a scrapbook. Hah, yeah." I faked a smile. Hoping she believes me. *crosses fingers*

She turned her back on me and went upstairs. Phew.

Ano nga ba kasing ginagawa ko?! Napapa-english pa 'ko, leche. Alas-diyes na nga ng gabi, nagbubunot pa 'ko ng mga bulaklak. Para namang makakatulong ang pag-bunot ng mga petals sa pag-dedesisyon.

Pumasok ako sa loob ng bahay at kumuha ng tubig.

Kasi naman! Naguguluhan talaga ako. Pupunta ba 'ko sa office nung manager ng panget na Feinmann na 'yun? I'm sure naman na about nanaman 'yun sa pagsabunot ko kay Ash. Pero diba, hindi niya na 'ko pinapakulong? Eh bakit kailangan niya pa 'kong makausap?

Eh bakit nga ba ayokong pumunta?! Hay nako Emerald, ikaw ang gulo mo rin eh! Kung ayaw mo, edi wag. Kung gusto, edi go. Simpleng bagay ginagawang komplikado.

So, bakit ko kinakausap ang sarili ko? Argh!

"May pasok pa pala ako bukas." Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa kwarto. Kailangan ko na ng beauty rest. Baka masira ang beauty ko neto. Bukas ko nalang pag-iisipan kung pupunta ba 'ko. Baka sakaling makapag-decide na 'ko paggising ko.

Paggising ko, wala parin. Hindi ko parin nahahanap ang sagot.

Pag pasok ko, pinagtitinginan ako ng mga tao. I know maganda ako but this is seriously getting annoying! Effin' sheet. Lalo na kung bubulong nalang, parang sinadya pang iparinig sa'kin ang mga bulungan nilang wala namang kwenta. No, scratch that. Hindi lang 'parang iparinig' sinadya is the right term. Mga walang magawang palaka. Puro 'Ash' puro 'kulong' puro 'kapal'. Tss. Mga fangirl. Wala kayong patutunguhan sa buhay niyan. Sa pag-iidolo ng butu-butong putlain na hindi naman marunong kumanta at sumasayaw. PFT.

Sinalubong agad ako ni Megan pag pasok ko ng room. Ah yes, Megan! The usual Megan.

"OMG SISSY! I heard Ash saved you. Am I right, huh?" Tanong niya habang kumikindat-kindat pa. Chaka.

"Saved talaga? 'Di ba pwedeng hindi naman talaga dapat ako makulong?" I rolled my eyes at her. Parang pinapalabas niya kasi na si Ash pa ang savior ko. Ugh no.

Umupo siya sa tabi ng upuan ko.

"Tell me more, please?" Sabi niya.

Incredible Madness [[On-Going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon