Ninth Madness

26 2 0
                                    

//9th Madness: The Offer

Binuksan ko ang driver's seat ng hot pink lamborghini ko at dumiretso sa loob.

Agad kong kinuha ang bag ko para kunin ang phone ko. Itetext ko si Mama na medyo baka ma-late ako. It's already 6:00.

Pagtapos ko siyang i-text, ini-start ko na ang engine ng kotse ko. I need to talk to Manager Kristina asap.

Pag dating ko sa MMtown building, dire-diretso ako sa opisina ni manager.

"Excuse me." Nabubunggo ko na ang iba sa pagmamadali ko. Dali-dali akong pumasok sa elevator at pinindot ang 4th floor.

Hindi mapakali ang paa ko. Galaw ako ng galaw.

"Faster you dumb ass." Bulong ko sa elevator.

Biglang tumunog yung elevator senyales na nasa 4th floor na 'ko.

"Bingo." Nagmamadali akong tumakbo papunta sa office manager.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakarating narin ako sa wakas. Hah. Success!

Tiningnan ko ang relo ko. 6:26, alright.

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko. Feeling ko ang haggard ko na. Kumatok ako sa pintuan ng office ni manager. Unang katok, wala pang bumukas. Kumatok ako ulit.

"Come in." Sabi niya sa loob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Kalma lang, Emerald. Wag masyadong kabahan.

"H-hi. Good afternoon." Ngumiti ako kay Manager.

Nakatalikod siya at nakaharap nanaman sa napakalaki at napaka-gandang binatana ng office niya. Humarap siya sakin at ngumiti.

"Emerald, it's you. Tama lang ang dating mo. Would you some wine?" Tanong niya. I just shook my head.

Pero dumiretso siya doon sa mini ref niya at kumuha ng orange juice. Binigay niya ito sa'kin at tinaggap ko naman. Sakto. Sobrang uhaw na ko. Ikaw ba naman tumakbo? Hindi ka kaya mauhaw.

Ininom ko ang juice pero wala pang isang minuto, naubos ko na agad ito. Uhaw eh!

Hinawakan ko ng mabuti yung bote ng orange juice na hawak-hawak ko. Baka kasi may mabato nanaman ako at ako nanaman ang headline ng news.

Tumigil ka Amber, wag mo naman pairalin ang pagka-hater mo dito.

"Ash. May pag-uusapan kami ni Emerald. Lumabas ka na muna." Sabi sa kanya ni manager.

Oo lumabas ka na bago kita itulak sa malaking bintana ni manager.

"Eh may pag-uusapan din naman tayo diba?" Tanong naman niya. Daming tanong sinabing lumabas na eh.

"Let's talk about that later, okay? Mas importante ang sasabihin ko kay Amber." Sabi sa kanya ni manager.

Hah. Ano ka ngayon Ash?

"Sige dito nalang ako sa gilid. Hindi naman ako makikinig eh." Nilabas niya ang earphones niya at pinakita samin.

Ang yabang talaga. Wala akong pakelam kung may earphones siya. May earphones din ako!!!

"Ash. Para kang bata. Mamaya nalang, okay?" Sabi sa kanya ni manager.

Sumimangot naman siya.

"Geh." Tumalikod siya at lumabas ng office.

Pahirapan pa. Parang lalabas lang eh. Imbyerna talaga yun kahit kailan.

Incredible Madness [[On-Going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon