First Madness

73 8 1
                                    

Amber on the side ------> (Hihi. Pretty. Nag-mana sa Ate pero mas dyosa parin si Ate. Hah!)

//1st Madness: kill him

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang kapatid ko na sa kasalukayan ay parang pandang nakakakapit sa bamboo sa paa ng tatay ko. Gahd, desperada na 'to. Sa isip ko.

"Sige na papa, bilhin mo na 'yung album ni Ash Feinmann papa please magiging mabuting anak na 'ko at lilinisin ko na ang banyo at huhugasan ko na ang mga plato at ako na rin po ang ang maglilinis ng kotse niyo at magwawalis sa tapat ng bahay natin at maglalaba ng mga--" Pagmamakaawa-- este pambobola ng kapatid ko kay papa. Iritableng iritable na ang buong pamilya dito sa kabaliwan ng kapatid ko. Pinagtitinginan narin kami ng mga tao sa mall. Nakakahiya. 

"O siya, oo na, oo na. Magtigil ka lang." Iritableng sagot ni papa. "Hala, tumayo ka diyan!"

Dumiretso sila sa record store habang nagtatalong parang kunehong baliw ang kapatid ko. Nakahawak naman sa noo niya si papa. Ako rin pa, sumasakit na rin po ang ulo ko dahil kay Amber. Tumaas ang kilay ko at nag-cross arms. Para sa bwisit na Feinmann na 'yan. Para lang sa Feinmann na 'yan, malalagay sa mental ang kapatid ko.


Sumosobra na 'yang si Amber eh. Hindi ko maintindihan kung bakit kinababaliwan niya 'yang Ash Feinmann na patpatin na 'yan! Nagka-album pa eh ang panget naman ng boses! Ni hindi pa marunong umarte ng maayos pero pinagkakaguluhan ng lahat. I hate him. I seriously hate that stupid Ash. Halos lahat ng kabataang babae ngayon, kinababaliwan siya. Gosh, ano bang nakita nila sa panget na 'yan? Mukha pang bakla. This is unbelievable! I swear to God I will kill that stupid creature once I see him and I will not regret it if ever I'll get rot in jail. Forever.

Nagsimulang dumagundong ang paligid. 

Literal na dumagundong. 

Lumingon ako sa kaliwa at nagsimulang mag-dasal ng aking buhay. BAKIT ANDAMING BABAENG NAGSISITAKBUHAN? ANO TO? ANONG NANGYAYARI? MAY SUNOG? LINDOL? At si Amber.. si Amber tumatakbo ng mabilis papunta sa pwesto ko? What the hell?!

"Fvck!" Napasigaw ako sa lalaking nakabunggo sa'kin sa kaliwa. Nagulat ako dun ah.

"Sorry, miss" Sabi niya. Sabay harang sa'kin ng isang bouncer. Wait. Bouncer? Sa paligid ng lalaki, mga bouncer. Yung lalaki.. yung lalaking nakabunggo. Huwag mong sabihing.. maputi, patpatin, manipis ang labi, nakakairatang boses... bulls eye. ASH FEINMANN!

Incredible Madness [[On-Going]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon