Tinatanggap ko pero,
Hindi ko naiintindihan.
Pinipilit kong pagnilayan,
Ngunit tila walang kaliwanagan.Sinabi mong mahal mo 'ko;
Pero bakit tila iba ang pinapakita mo?
Sinabi mong mahal mo 'ko;
Pero bakit tila iba ang sinisigaw ng iyong puso?Sana'y sa simula pa lamang ay nalaman na,
Para nakaiwas na ako.
O tama lang na maramdaman ko 'to?
Upang matuto ako.Na sa susunod na may makilala 'kong lalaki na kasing ganda ng ngiti mo;
Kasing kintab ng mga mata mo;
Kasin tamis ng mga salita mo;
Ay alam ko nang dapat kong iwasan ito.At sa susunod na may magsabi saking mahal niya ako,
Alam ko na.
Oo alam ko na.
Alam ko nang hindi iyon totoo.06/23/17 • 19:41