• 5 •

23 9 3
                                    

M A W A W A T A

Lengguwahe sa kabilang ibayo,
Pilit na kinakabisa; Pilit na wina-wasto,
Kahit na 'kay hirap maisaulo.

Ngunit tila nakakalimutan,
Lahat ng nararapat na tandaan,
Dito sa sariling bayan.

Aanhin ko iyong talino?
Kung itong Wikang Filipino,
Hindi mo pulido.

Matalinong utal ka nga naman,
Pilipino pa ba, kung ika'y turingan?
O nagiging dayuhan ka na, sa sarili mong bayan?

092816 • 05:30

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon