2 •

37 15 5
                                    

Naalala mo pa ba,
Nang pinangako mong puso ko'y aalagaan at iingatan?
Naalala mo rin ba,
Kung paano mo ko sinaktan ng lubusan?

Naalala mo pa ba,
Nang sinabi mong takot kang baka ako'y mawala?
Naalala mo rin ba,
Kung paanong hinarap ang iyong takot at ako'y iniwan na?

Naalala mo pa,
Nang minsang sinabi mong ako'y mahal mo na?
Naalala mo rin ba,
Kung paanong sinabi mong ika'y wala nang nadarama?

Dapat ko pa bang alalahanin,
Ang masasaya natin ala-ala,
O puro pasakit na lamang ang natitira?

10/08/16 • 3:13

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon