• 7 •

15 2 0
                                    

M A H A L ,  B A K I T ?

Isang tanong na hanggang ngayon ay bumabagabag sa aking isipan.
Isang tanong na hanggang ngayon ay walang kasagutan.
Isang tanong na hanggang ngayon ay walang kapaliwanagan.
Isang tanong.
"Mahal bakit mo ako sinukuan?"

Mahal.
Natatandaan mo pa ba nang minsang titigan mo ako sa mata.
At sabihin ang mga katagang "mahal kita".
Sa mga pangako mong 'kay hiwaga.
Na hindi hahayaang tumulo aking mga luha.

Mahal.
Natatandaan mo ba nang minsang hawakan mo ang mga kamay ko.
At sinabing "hindi ko bibitawan 'to".
Dahil alam mong takot ako sa dilim.
Pero bakit nang ipikit ko ang aking mga mata,
At sa muli kong pagmulat ay wala ka na.

Mahal.
Natatandaan mo ba nang minsang ako'y iyong yakapin.
At sabihin ang mga katagang "Takot akong mawala ka sa akin".
Ngunit bakit parang sa bawat salitang binibitiwan mo ay may kalakip na pangamba sa puso ko.
Na balang araw ay haharapin mo ang takot mo at iiwanan ako.

Mahal.
Natatandaan mo ba nang minsang umiiyak ako ay pinatahan mo ako.
Sinabi mong "Nasasaktan ako pag nakikitang lumuluha."
Kayap pinilit ko maging malakas para sa'yo.
Pinigil ang luhang nagpupumiglas sa pagtulo.

Mahal.
Natatandaan mo ba nang minsang umulan ay kumanlong tayo.
Pero alam natin pareho na kahit mag payong pa tayo, mababasa pa rin naman.
Na kahit mahal mo ako, masasaktan pa rin naman.
Na kahit sabihin mong hindi ka lalayo, iiwan mo rin naman.

Mahal, Nakinig ako sa puso ko.
Mahal, Umasa ako.
Mahal, patuloy akong nakikipagdigma sa tadhana dahil sabi mo yun ang tama.

Pero mahal, asan ka na?
Bakit bigla ka na lang nawala?
Mahal, nalilito na ako.
Hindi ko alam kung saan ba dapat ako lulugar, kung tatalon ba ako kahit walang kasiguraduhang sasaluhin mo.
O kung tatalikod na ba ako at lalayo sa'yo?

Mahal, naglaro lang ba tayo?
Minahal mo ba talaga ako?
O isa lang ako sa mga pinasaya mo?
Mahal, pasensya na kung hanggang ngayon ay patuloy akong umaasa na babalik ka.
Pasensya na kung patuloy akong kumakapit sa lubid na kumokonekta sa ating dalawa, kahit na sinabi mo ay tama na.

Nagising ako na ang kabaliwan ay hindi magiging katotohan.
Na hindi ako ang nagbigay kaliwanagan sa madilim mong larawan.
Na hindi ako ang pupuno sa puso mong may puwang.
Na hindi ko kayang ayusin ang magulo mong isipan.
Na hindi ako sapat para sa'yo.

Ngunit ang salitang tumatak sa isip ko,
Ay ang salitang binitiwan mo.
Bago ka tumalikod at naglakad palayo,
Eto ang pagkakasabi mo.

Hindi ako sapat para sa'yo.
Ngunit aking napagtanto--
     Hindi ako nagkulang;
Hindi ka lang nakuntento.

113017 • 14:53

Photo Taken from; Google

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon