M A N G M A N G
Milyon-milyon ang pinatay na tao,
Tinapakan ang ating pagkatao.
Dignidad na winasak,
Itong bayang pinahamak.Niyurakan ating nakaraan!
Ito ba'y nararapat sa ating mga kabababayan?Patuloy na lamang magpapaka-tanga;
Magpapanggap na tila lahat ay tama.
Susunod sa kung ano ang gusto nila;
At hahayaang masira ang lahat ng natitira.Bilanggo sa iyong pinagsilangan.
Sa bansang 'Pilipinas' kung turingan.Tumayo ka at ipaglaban;
Ipagpatuloy 'tong digmaan.
Ibuwis ang buhay kung kinakailangan;
Para sa ikagiginhawa ng ating bayang sinilingan.09-28-16 • 05:30