Family

97 0 0
                                    

October 8 2008,

Tawagin niyo nalang ako sa pangalang "Kendra". At ito ang karanasan ko.

Nung araw na yun, duon ko nasaksihan ang mga pangyayaring hindi dapat makita sa mga mata kong inosente. Nag-uunahang umagos ang mga luha mula sa mga mata ko, hindi ko mapigilan ang bawat malalaking patak nito. Sa sobrang sakit ng nasaksihan ko halos mapa-luhod ako.

"MAGHIWALAY NA TAYO!" pagalit na tugon ng papa kay mama

Sa araw na yun naghiwalay sila, inimpake ni mama lahat ng gamit niya habang umiiyak. Si papa naman alam kung ayaw niya na magka hiwalay sila ng mama kaso nasasaktan na din siya. Pinahid ng papa ang mga luha niya upang hindi makita ni mama ang emosyong nangingibabaw kay papa.

Mahal na mahal ni papa si mama, ngunit may ibang lalaki si mama. Pinilit magpaka tanga ng papa noon kaso hindi na niya makaya.

"Minahal kita! Ginawa ko sa iyo lahat! Ibinigay ko panganga-ilangan mo noon tapos ito... ito yung igaganti mo sa akin?"

Ramdam ko ang sakit ng papa habang binibitawan niya ang mga salitang 'yun kaya ako rin mismo ay napa-iyak ng husto. Si papa ay mapagmahal, walang problema si papa ngunit ang mama ko ang meron.

"Maghiwalay, yan ang gusto mo di ba, sinabi mo na kaya gagawin ko!" Tugon din ni mama.

Alam kung mahal ni mama si papa kaso sa di malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit ito nangyayari.

"Lumayas ka!!"

"Talagang lalayas ako. Kayo! Pumili kayo kung saan kayo sasama!"  Tanong ni mama sa amin na magkakapatid.

Walang sumagot, umalis si mama dala-dala ang bunsong kapatid ko. At nangyari ay naghiwalay nga sila. Masakit man pero anong magagawa ko? Wala naman.

Dumaan ang ilang taon. May komunikasyon kami ni mama, pero hindi ko maiwasang mainggit sa ibang pamilya. Yung feeling na gusto mong maranasan ulit yung kulitan, pagmamahalan, tawanan at asaran niyong magpamilya.

"Mama, sana hindi ka nalang umalis, hindi ko sana ito pa ulit ulit na mararamdaman. Ang sakit kasi,kahit na noon pa yun ngunit parang bago parin. Mama,papa ma uulit pa po ba ang ligaya ng pamilya natin. Alam niyo nakaka-innggit sila oh. Ang saya saya nila"

Sabi ko sa sarili ko habang pinapanood ang pamilya ng best friend ko.Sana ma ulit muli, gusto ko ng sumaya gaya ng dati.

"Kendra! Kakain na tayo"
Tawag ng best friend ko.

Ako si Kendra ang babaeng walang ninais magpa hanggang ngayon kundi ang maayos ang aking pamilya at maranasan na lumigaya muli sa piling ng aking buong pamilya. Sa mama ko miss na miss na miss na kita, sana magbalikan na kayo ni papa.


October 8, 2016
8:34 AM

Kendra died for a heartache. And she never accomplished her mission to have her family to be complete again.

She died because of stress and sadness that is continuously circulated on his mind that affects to her heart. Leading to have a decease called heartache.

Short and Sad stories (by JinJenBTS)Where stories live. Discover now