Father and Child

15 0 0
                                    

"Papa bakit po ba gumagalaw ang mga puno?"

Tumingin lang ang kaniyang papa at ngumiti ng napaka lawak sa kaniyang anak, habang pinapahid ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mata paminsanminsan.

"Papa! Wow ang galing, sumosunod po yung bilog sa atin"  masayang sabi ng bata habang pumapalak-pak ang kamay.

"Anak, ang bilog na 'yan ang tawag niyan ay araw. At itong sinasakyan natin at buss."   Paliwanag ng ama sa kaniyang inosenting anak.

"Ganun po ba? "
Ngumiti ang anak ng napaka inosente sa ama.

Samantalang may magkabiyak na tinitingnan ang mag ama na pawang na-aawa sa pag aakalang may sira ang utak ng anak.

"Papa, salamat po"

Halos mapa iyak ang ama sa ngiti ng ama, habang pinapanood ang anak na manghang-mangha sa mga nakikita nito.

"Kuya, may doktor po akong kakilala na maaring makatulong sa iyong anak"

"Ipapacheck-up po natin utak niya"
Sambat ng magkasintahan, na para bang may halong biro at awa habang sinasabi iyon.

Ngumiti lang ang ama sa magkasintahan at sinabing.

"Pasensya na kayo, pinanganak kasing bulag ang anak ko, at bago lang siyang na operahan,kaya bago lang sa kaniya ang mga bagay-bagay sa mundo."

Nakangiti paring sabi ng ama, at binaling ang tingin sa anak.

Halos mapa-upo ang magkasintahan sa narinig na pahiwatig ng ama ng bata. May pagsisisi sa kanilang mga mukha na oara bang nakokonsensya sa kanilang panghuhusga ng walang kasiguraduhan.





A/N:

Do you like the story guys? If you do please keep on reading and be patient with the updates if it takes a long period of time.

I might be really busy in my studies for the upcoming days. But I promise to make a sad story for you guys😘😘😘

Short and Sad stories (by JinJenBTS)Where stories live. Discover now