Lola

5 0 0
                                    

Hi itago niyo nalang ako sa pangalan na Jayson. Sa totoo lang nahihiya akung e share to pero baka kasi makakuha kayo ng leksyon sa istorya ng buhay ko.

Bata pa lamang ako nasa puder na ako ng lola ko, sa panahong din na iyon yun yung araw na away bati mga magulang ko at tanging si lola ko nalang ang siyang nag-aalaga sa akin, ang siyang nagmamahal sa akin, at siyang tumotustos sa pag-aaral ko.

"Apo"
Tinatawag na ako ni lola para kumain, excited na ako. Kasi papasok na ako ng school para asikasuhin mga school works at magpapractice kami ng graduation song namin.

"Lola, ako na po n'yan."

"Ako na lamang apo..uho!uho!uho!"
Tugon ng lola sa akin.

May sakit ang lola sa puso at ewan ko ba napapadalas ubo niya. Minsa ni lalabasan siya ng dugo sa kaniyang baba pag umobo siya.

Nag-aalala na ako sa kaniya ng husto. Kaya ako nagsikap upang mapalitan ko ng kabutihang loob ang lola ko.

"Lola, magpa check-up nalang kaya tayo ngayon, nag-aalala na kasi ako sa inyong kalagayan eh."

"Ano ka ba apo, okay lang ako. Ang asikasuhin mo nalang ay yang sa paaralan mo. Excited ka na ba para bukas?"   Tanong ng lola ko.

Ramdam ko ang panghihina sa mga boses niya. Pero ayaw kung ipakita ni lola na nag-aalala ako sa kaniya dahil ayaw niyang makita ako ng nagkakaganun ako sa kaniya.

"Okay po lola."
Nilawakan ko pag-ngiti ko.

Lola salamat po sa lahat ng sakripisyo niyo. Bukas, bukas ko na po masisimulan ang mga pangarap ko upang makatulong sa iyo at masukli.an ang mga kabutihang dulot mo sa akin. I love you po. Sabi ko sa sarili ko habang naka ngiti parin ako kay lola.

"O siya, sige na may isusulat pa ako."

"Okay po lola."

Naglalakad ako sa hallway ng school namin. Im actually on a good condition. Bukas na talaga talagang bukas na.😊😊

"Jay!"

Alam ko kung kaninong boses yun ah'

"Uy Kent!" Bati ko sa kaibigan ko.

"So ready ka naba bukas, panigurado masayang masaya si lola mo. Teka! Alam na ba niyang valedictorian ka?"

"Hindi ko sinabi sa kaniya, gusto ko siyang e surprise sa parangal na nakuha ko."

"Aba effort ka talaga ah, tayo na nga lang sa room."

This is it. This is it.

🎵🎵Gradution song🎶🎶

Ang ingay ingay dito sa stadium. At makikita mo lahat ng mga magulang ng bawal mag-aaral ay narito talaga. Si lola kaya asan na ba siya ?? Ang sabi niya susunod nalang muna siya.

"Uy jay! Asan na ba si lola, miss ko na rin kasi siya." Tanong ni kent sa akin.

"Paparating na'yun"

Naglalakad na kami sa aisle. At tatanggapin ko na award ko. Tumitingin ako sa paligid, hinahanap ko ang lola ko, pero wala,wala siya. Jay baka na traffic lang. Saad ko sa sarili ko.

Short and Sad stories (by JinJenBTS)Where stories live. Discover now