Salamat po MAMA

7 0 0
                                    

Ni minsan ba na isipan mo na bang magpasalamat sa taong siyang nagluwal at nag dala sa 'yo ng siyam na buwan, na kahit gaano kahirap ang pagluwal sayo ay kinaya niya para lang mailabas ka ng buo at maayos? Ni minsan ba kahit na gaano na katigas ang iyong ulo, nagawa mo na bang magpasalamat sa taong handang umunawa at magpasensya sa kung ano ka?

Ina, isang tao na siyang laging nandiyan sa iyong tabi at hindi ka pinababayaan at minamahal kang tunay. Siya ang klase ng tao na handang tanggapin lahat ng ano ka. Siya yung handang ipagtanggol ka sa lakas na kanyang makakaya. Kahit nahihirapan siya, hindi niya ito pinapakita sa iyo dahil ayaw niyang madamay ka.

Nahalikan mo na ba siya? Nagpasalamat ka na ba? Paano kung balang araw, ang taong siyang handang isakripisyo lahat sa iyo ay bigla nalang nawala, maalala mo pa ba siya, mayayakap mo pa ba siya,o handa ka pa bang yakapin ang bawat malalamig niyang katawan?

Ako si Len, isang anak na kung saan buong buhay ako nagsisisi sa mga kasalanang nagawa ko sa kaniya. Naging mabait siya sa akin, ngunit ako? Binabaliwala ko lahat ng ginawa niyang kabutihan sa akin.

Ito ako ngayon, naka tingin sa burol ng taong mahal ko. Ang taong nagsakripisyo at minahal ako ng buong puso,mula pagkasilang ko.

Mama, alam ko huli na ang lahat. Hindi na kita makikita muli. Ang tanga ko ma, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa iyo ng buhay. Ni hindi man lang kita nahalikan noon,ni hindi man lang kita inisip noon. Mama,patawarin niyo po ako, naging masamang anak ako sa inyo. Naging matigas ulo ko. Mama nagsisisi po ako sa mga kapabayaan ko. Nagsisisi ako dahil namimis kita, ina-alala ko kailan pa kaya kita mayayakap,ngayon na patay ka na. Mama sorry po sorry po talaga, sana noon pa niyakap at hinalikan na kita, sana noon pa pinasalamatan na kita, sana hindi nalang ako naging masamang anak sa iyo.

Mama ang daya mo, hindi mo man lang ako hinintay, mama miss ko na po mga yakap mo na noon itinatakwil ko,mga halik mo na noon pinapahiran ko, at sa bawat pagtawag mo ng 'anak' sa akin na noon hindi ko pinag-bigyang pansin. Mama,pwede pa bang ibalik yun? Kung pwede man hinding-hindi na kita pipigilan. Mama I love you po, sorry po talaga sa lahat lahat ng naging kapabayaan ko.

Mama mahal po kita, salamat po sa lahat lahat.

Kaya kayo, habang ang mama niyo ay buhay pa, naway huwag kayong magaya sa akin. Ayaw kong magaya kayo sa akin na nagsisisi sa huli.

Mahalin niyo mama niyo,pasalamatan niyo sila at ibigay lahat ng inyong atensiyon sa kanila, dahil hindi natin madidiktahan ang panahon. Hindi natin alam kung kailan sila mawawala sa ating buhay.

Diyan lang nagtatapos ang istorya ko salamat.
                                 -Len

Short and Sad stories (by JinJenBTS)Where stories live. Discover now