Naglalakad ako papuntang Department Store. Bakit? Bibili ng makakain malamang. Tamad akong magluto eh. Ako lang mag-isa sa apartment ko. Wala yung kababat ko, walang mauutusan. May practice ata sila sa Cherrleading.
Cup noodles tsaka softdrinks okay na sa akin. Busog na ako.
Biglang nagvibrate ang phone ko. Kaya chineck ko ang chat sakin habang naglalakad. Nagrereply narin.
▪Third person POV▪
Kakatapos lang ng shift ni Valk sa Cafe Library kaya lumabas na ito upang kumain ng tanghalian.
Nag-unat muna ito bago maglakad."Hhhmmm!" Pag-uunat niya at napabuntong hinga.
"Gutom na ako." Wika niya.Chineck niya ang kanyang wallet at nakitang di pa sapat ang naipon niyang pera para magpakabusog sa isang resto. Kaya naman naisipan niyang bumili nalang ulit ng mumurahing snacks at softdrink sa Department Store, tutal dun din naman ang susunod niyang part-time trabaho eh.
▪▪▪
Papasok ako ng Department Store nang biglang may nakakuha ng atensyon ko. Isang may itsurang babaeng kumakaway sakin.
Sino siya? Isip ko."Hi Kai," bati niya. Nakapamulsa lang ako at dumungaw sa kanya. Pandak kasi, nakaflats pa. 6 ft ako eh.
Tahimik lang ako.
"Di mo ako naaalala? Ako yung S.A. (Student Assistant) ng Campus Nurse na babae na gumamot sa sugat mo last week dahil sa training niyo sa Basketball?!" Nakangiting kwento niya.
"Ahh." Wala akong masabi eh. Sorry na. Tas gutom pa ako.
"Naalala mo na?" Mas lumawak pa ata ngiti niya. May sinabi ba akong nakakapangiti?
"Ayos na sugat ko, salamat sa tulong mo..."
"Valentine!"
"Ahh, sige. Pas---"
"Excuse me." Papasok na sana ako nang biglang may babaeng dumaan sa gitna namin at pumasok sa Department Store.
Di ko namalayan na napako na pala ang tingin ko sa kanya. Naramdaman kong inikot ni.. ano ulit pangalan niya? Ah basta siya, sa aking kamay.
Tinignan ko lang siya ng seryoso.
"Sorry kailangan ko tong gawin, " bulong niya sa mukha ko,
Kailangan niyang gawin ang ano?
Magmukha kaming couple?Napansin kong tumingkayad siya, at tila papalapit ang mukha niya sakin.
"K-Kai..----"
"Excuse me po." Nabigla kami pareho sa diin ng tono ng pananalita ng babae. May dala siyang itim na cellophane. Basura siguro.
Medyo nainis si ... ano nga ulit pangalan ng kaharap ko? Aish!
Bakit kaya nakakunot siya habang tinatapon ang basura?
"Kai. Kai. Kai! " nakuha niya ulit atensyon ko. Ngunit sa pagkakataong ito..
"Excuse me." Dumaan ulit yung babae kaya sumabay nalang ako.
"See you." And with that iniwan ko na siya sa labas.
Namimili na ako ng cup noodles.
Tas tinungo ang heater.Teka ba't di gumagana?
Magrereklamo sana ako sa manager nang biglang may nagsalita..."Excuse me Sir. Aayusin ko lang po."
"A-ah okay." Medyo nabigla lang ako dahil alam na niya agad ang sitwasyon ko.
Di kaya stalker ko rin tong babaeng ito?
Gwapo ko kaya. (see the media above)
YOU ARE READING
FEELINGS: Deleting
RomanceSenior High student ako. Gwapo, matalino, habulin ng babae (lol), mayaman, at higit sa lahat, loyal. Oo loyal ako...sa lahat (lol). Hanggang sa makilala ko ang isang babaeng di ko akalain na mapapansin ko, na makakakuha sa buong atensyon ko. Na di...