(3) Kaibigan

11 1 0
                                    

Kai's POV

Usually kasabay ko itong kababata ko sa pagpunta sa campus. Asan na ba yun? Matawagan nga.

calling: baho (kababata ko)

'Hello?'
-----Tagal mo. Bilisan mong maglagay ng kolorete sa mukha diyan nang magmukha kang tao.
'Ulol, anjan na!'
-----Bilis!
'Hang up na nga. Badtrip! Panira ng araw!'
----Paano nasira ang araw? Eh di nga nahahawakan yun
'PILOSOPO! PUMUNTA CAMPUS MAG-ISA! AYOKONG MAKASABAY PANGET NA TULAD MO!'
----Hayst. Krass mo na naman ako.

call ended.

...

"Sabi niya eh," binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko nang biglang may kumatok sa bintana.

Di ko naririnig sinasabi niya pero parang eto yun. 
Gago-buksan-mo!

Kaya binuksan ko. Wala ng drama drama.

Nasa biyahe na kami ngayon. Tahimik lang siya. Problema nito. Makausap nga.

"Hoy umuulan ba sa inyo? Ba't ang dilim ng mukha mo?" tanong ko.

Tinignan niya ako ng masama kaya di ko napigilang mapangiti ng konti.

"Nginiti-ngiti mo jan? Gusto mong mamatay?" Luh. Ano bang kasalanan ko?

"Bakit bawal bang ngumiti?" tanong ko.

"Hindi." tipid na sagot niya.

"Eh ba't galit ka?" patingin-tingin lang ako sa kanya kasi nagmamaneho ako eh, mahirap ng mabawasan gwapo sa mundo. lol

"HIndi ako galit." Pinikit niya mata niya at sumandal sa upuan. Nakahalukipkip pa siya.

Magtatanong pa sana ako nang biglang may dumaan na bisikleta sa harap namin!

"FCK!" Inis kong sigaw at nagbrake!

Nagulat tong katabi kong badtrip, hindi maipinta ang mukha. Yan kasi, pikit pa. 


"ANONG NANGYARI?! NAKAPATAY KA BA?!" sigaw niya -_-

If high pitch voice could kill I'd be dead by now.

Nakapatay? Grabi tong babaeng to.

Tumingin ako sa harapan at nakitang inaayos ng babae ang uniform niya. Wait, pareho kami ng uniporme ah. Bababa na sana ako nang sumakay na ito sa bisikleta niya at umalis.

"BA'T DI MO PINIGILAN?!" sigaw ulit ng katabi ko. -_-

"EH ANG LAYO NA NIYA OH!"

"HABULIN MO!"

"PARA SAAN PA?!"

"PARA HUMINGI KA NG TAWAD!"

"BA'T AKO?!"

"KASI ... DAPAT IKAW!"

-_- nice.

Bigla nalang pulang-pula ang mukha niya...

"Okay ka lang ba?" pag-aalala ko sa kanya. Kahit alam kong naka seatbelt to. Alam ko paano patahimikin to eh. 

"O-OO NAMAN! S-SA TINGIN MO OKAY LANG AKO?! ESTE D-DIKI AKO OKAY?!" mehe he he. Mahina talaga tong babaeng to pagdating sa pag-aalala ng tao sa kanya. Lalo na sakin. Lakas ko yata sa bespren ko!

Niyakap ko nalang siya, hinahabol na naman hininga eh, aish. Di kasi dapat laging nagsisigaw, alam naman niyang may sakit siya sa puso eh.

Ilang minoto nakalipas, kumalma na siya. Kaya pinaandar ko na ulit ang sasakyan. Late na siguro kami. 

FEELINGS: DeletingWhere stories live. Discover now