(4) Selos

11 2 0
                                    


Kai's POV

Nakarating kami sa school late malamang. Pero buti nalang at kaibigan ng kababata ko ang may-ari ng school na to. Nabanggit na niya yung pangalan eh, nakalimutan ko lang. Di naman kasi importante sakin ang malaman ang pangalan niya. Pero dahil sa kanya kaya di kami napagalitan. Nga pala, di kami magkakaklase ni Maria. First section ako tas second section siya. Bobo kasi eh, oops, I mean medyo matalino lang eh.

Physics pala unang subject namin! God! Nakalimutan ko kung scientific calculator ko! Kainis! Bakit ba kasi madali kong nakakalimutan ang mga bagay bagay!

"Okay, get one half sheet of paper. We are going to have a short quiz." Sabi ni Prof. Santos.

Shit!

Paano na to! Pasimple nalang ako lumilingon sa mga kaklase ko. Tanga na siguro ako kung iisipin kong magtatanong ako sa kanila kung may extra silang sci. cal. (scientific calculator). Napansin kong palingon-lingon din yung class president samin. Di kaya pareho kami ng sitwasyon?

Nagtama ang paningin namin. Parang may sinasabi ang mga mata niya. Okay. May sinasabi talaga siya, wala nga lang boses. Parang ganto? Okay-ka-lang-ba?

Kaya sagot ko, umiling ako. Di naman kasi ako okay kasi may problema ako. Nagulat ako ng tumayo siya. Wait, what is she trying to do?!

"Excuse me prof!" tawag niya kay Sir.
"Oh yes miss Schwann?" lahat ng mga classmates ko pati ako napatingin sa kanya.

"Sir, nakalimutan po kasi ng kaibigan ko yung scientific calculator niya at nahihiya po siyang sabihin yun. Can I borrow your calculator for him po?"

What the...

"Oh yes. Of course. How kind of you miss Schwann. Who is this friend of yours?" tanong ni Sir kaya tumingin ako sa kanya at naghihintay ng sagot. Baka hindi pala ako yung tinutukoy niya. Aba magiging assuming lang ako.

"Kaizer po. Kaizer Beethoven." Oh Shit ako nga?! How did she knew my name? Ako nga hindi ko alam ang pangalan niya eh. Basta ang madalas kong naririnig sa mga tumatawag sa kanya ay miss president o miss pres.

"Ikaw pala Mr Beethoven. Oh eto kunin mo, dapat kanina mo pa sinabi, pinahirapan mo pa tong si Miss Schwann." And with that napatawa ng konti mga kaklase ko. Nice. Ang lalaki mong tao naging mahiyain ka. Nice Kai, nice.

Natapos ang klase na nasolve ko ang dalawang binigay na problem. Umalis na halos lahat ng mga kaklase ko, si miss pres nagaayos pa ng gamit niya. Naisip kong bago umalis, isa lang kasi subject naming ngayong umaga, pasasalamatan ko muna siya.

"hi."

Medyo nagulat siya pero ngumiti narin.

"Hi." Ganting bati niya at tumayo.
"Salamat nga pala sa ginawa mo kanina. Thanks for helping me" pasasalamat ko.
"No problem. Basically yan naman ang one of my concerns here, being the president" tumawa siya ng konti at ewan ko bakit napapatawa at napapangiti rin ako. Lol.
"How...How did you know my name miss pres?"
Napatawa siya ulit. Pansin ko lang, everytime na tumawa siya eh tinatakpan niya bibig niya ng handkerchief niya. Anyway.
"Oh come on! How will I not know the name of one of the famous student here in our school?!" Oo nga naman. Bakit di ko yun naisip? Haha
Napahawak ako sa baba ko, japorms babe haha, GGWS-mode! Lol.
"Oo nga noh, sikat nga pala ako. Gwapo na, matalino pa. Naks! Swerte ko talaga! Whoow!"

Nagtatawanan lang kami dito sa classroom nang biglang may nag "uhum" sa likod ko.

Oops.

Si miss baho pala yun. Nasa may pintoan. Kababata kong ubod ng panget! Disturbo!

FEELINGS: DeletingWhere stories live. Discover now