[Department Store]
Pagkatapos niyang ayusin yung heater, nilagyan ko na ng mainit na tubig ang cup noodles ko. At umupo doon sa may counter. Ang weird ko diba? Nagka-cup noodles for lunch. Tamad eh.
Habang hinigintay ko maluto ang noodles, naglaro ako ng games sa phone ko. Nagrereply narin sa mga chats.
Ting! 18x (tunog ng chatheads)
"Ano ba yan, naglalag 'tong nilalaro ko oh!" pagtataas ko ng boses.
In-exit ko ang laro para replayan sila.
— hi po
(Likezoned)
—Hoy yung thesis draft asan na?
("School")
— Iniwan mo?
("Oo, sabi mo eh")
— Wala akong sinabing iwan mo!
Sabi ko hintayin mo ko't kukunin ko!
("I got tired of waiting")
— Ay ang hugot mo! Move on ka na!
(seen)— Kai bro, ball game maya, join?
("sure")
— Chloe's gonna be there.
("Don't give a fck")
— Chill lol
(seen)
—Bro?
(seen)— Hoi kayla! Asan ka? Andito ako sa apartment mo!
("Nag-mic ka ba? Umabot dito boses mo")
— Ulol! Andito ka ba? Buksan mo to! Uulan na oh!
("Silong ka")
— SAMA!
("Ingay")
— Bobo! May boses ba mga letra?!
("Wala")
— Eh alam mo naman pala eh! Paano naging maingay?!
("Kasi ampanget mo")
— SAMAAAA!Nabigla ako at napatigil sa pagcha-chat nang may nabasag sa may sulok.
Nilingon ko at nakitang yung batang babae yata ang nakabasag.
Yung babaeng 'excuse me' may sinasabi rito at pinapatahan na wag umiyak."Anong nangyayari dito?!" galit na wika ng matandang kulot na amerikanag hilaw.
Blonde ang buhok at hindi pantay ang kaputihan eh. Mukha lang maputi.Natakot yung batang babae kaya pinatago ito ni 'excuse me' sa likod niya.
"Sorry po ma'am, di po ako nag-ingat. Nadulas po sa kamay ko."
What the hell?!
"Ano?! Alam mo bang magkano ang wine na ito iha?! Isang libo! Tatanga-tanga ka! Paano mo babayaran?!" pagpipigil at gigil sa galit na wika ng hilaw na amerikana.
Yumuko nalang si 'excuse me' habang panay ang pagso-sorry.
Tsk. Mababait nga naman. Nakakairita.
Nakita kong babatukan na sana siya, at the-fcking-hell di ko alam ba't ako napunta rito at napigilan ang kamay niya!
Nabigla si manang hilaw kaya binaba niya ang kamay niya. Ngumiti siya bago nagsalita.
"Sir? Do you need something from me?"
Gross.
"Nothing ma'am. It's just," ...think!... "...you're blocking the way." Yun!
"Oh I'm sorry sir." umatras siya.
Paano ba to? Dito ko na ba ipapakita ang acting skills ko?
"Is that the famous french red wine?" turo ko sa nabasag na wine. Alam ko iyan lang ang nagiisang brand eh.
"U-Uh, yes sir." sagot niya, napapatingin narin sa nabasag.
"I need a sample of that. Can I buy that?" ano raw? sample? nice kai, nice.
"B-B-But Sir!" paga-aalala niya.
"No don't worry. I just need a little sample," May lalagyan ako ng menthol sa bulsa ko kaya kinuha ko yun. Sayang may tatlong natira pa naman dun. Kaiyak.
"Sir..." rinig kong muni ni 'excuse me'. Di ko mapigilang tumingin sa kanya habang papaluhod.
Pagtama ng mga mata ko sa kanya, umiwas siya at tumingin sa batang babae. tch.
...
She needs to thank me! Sayang 1K ko! Hayst!
Inangat ko ang menthol case ko.
"One thousand to. Ano bang multong sumapi sakin at ginawa ko yun?" sabi ko sarili.
Malayo- layo na ako ng Department Store, nanghihinayang sa 1K ko nang
namalayan kong may sumusunod na mga nagmamadaling yapak sa likod ko.Napaikot ako at lumingon.
"E-Excuse me...sir." Si miss 'excuse me'
Napamulsa ako, para cool.
"Yes?" poker face ako, para cold.
Nagbow siya?
"T-Teka.. hi-hingal pa ako." =_= akala ko nagba-bow siya. Anime lang ang sumagi sa isip ko.
Hindi nalang ako sumagot. Bakit di naman siya nagtanong ah? At wala naman dapat isagot dun.
Ay meron ba? Yaan na, tamad bibig ko."T-Thank you." Ayan. Ang sarap pakinggan. Ang yaman ko talaga.
"No problem" sabi ko at aalis na sana nang pinigilan niya ako. Paano?
Hinawakan lang naman niya ang dulo ng damit ko. Pagtingin ko sa kamay niya, binitawan niya naman agad.
"May sasabihin ka pa?" sabi ko.
Kinuha niya ang wallet niya at nag abot ng 500.
Okay? Ano ba ginagawa niya?
"I- I don't have much money right now. Tanggapin mo muna tong 500. Balik ka nalang dito next week. Ganitong oras. Ibibigay ko ang kulang na 500." wika niya.
Napakamot ako sa batok ko. God. Bobo ba siya o tanga?
Kaya nga binayaran ko yun kasi alam kong di niya kayang bayaran yun diba?"Baliw ka ba? Tanga? Bobo?" Napaangat siya ng tingin sakin.
Oops. Did I just thought out loud?
"Kapal mong tanungin ako niyan." pantay na tonong tanong niya. K-katakot?
"Eh totoo naman eh." Teka Kai, ano ba yang lumalabas sa bibig mo?!
"Kung baliw ako, bobo pa, tas tanga. Eh ikaw tingin ko may sayad sa utak. Kaya tanggapin mo nalang to kung hindi mo kayang intindihin ang implikasyon ng ginagawa ko."
Teka teka teka.
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang 500. Inirapan pa ako?!
Waw!
Magsasalita pa sana ako ng inirapan niya ako bago umikot pabalik sa Department Store.
Wow lang ah? Ang sarap halikan ng babaeng yun!
Halikan?
Hayst kailangan na ata ako magpapatingin sa utak.
YOU ARE READING
FEELINGS: Deleting
RomanceSenior High student ako. Gwapo, matalino, habulin ng babae (lol), mayaman, at higit sa lahat, loyal. Oo loyal ako...sa lahat (lol). Hanggang sa makilala ko ang isang babaeng di ko akalain na mapapansin ko, na makakakuha sa buong atensyon ko. Na di...