***03***

426 18 0
                                    

"Naku Miss pagpasensyahan mo na lang itong pasaway kong kapatid na si Peter minsan talaga nakakalimutan niya ang kagandahang asal." ---> Coach.

Kapatid? Kung ganoon ate pala siya ni Peter? Grabe hindi ko akalaing may napakaganda pa lang ate itong si Peter.

"Ate wag ka ngang makapag sorry diyan sa babaeng iyan. Siya ang dapat na mag-sorry sa akin kasi siya ang nakatama ng bola sa ulo ko." ---> Peter.

"Hoy excuse me po nakapag-sorry na ako sa'yo kanina." ---> Ako.

"Tama siya Peter dahil nakita at narinig ko ang sorry niya." ---> Coach/ ate ni Peter.

"Tss... Ah basta ayaw ko sa kanya kaya wag na wag kang magkakamaling tanggapin siya sa club." ---> Peter.

Mukhang pinepersonal na ata ako ng lalakeng ito ah.

"Don't worry little brother kasi ngayon pa lang sinasabi ko nang pasok na agad siya sa first six ng team ko. *wide smile*" ---> Coach/ Ate ni Peter.

"Ha!?!" Sabay at medyo hindi makapaniwalang tanong namin ni Peter.

Ako pasok na agad sa first six? Wow ang astig naman nun!

"Siya nga pala ako si Princess Torres ang magiging volleyball coach mo." Nakangiting pakilala sa akin nitong si coach Princess habang nakikipagkamay sa akin.

"Djessa! Maria Djessa Anyayahan po!" Magiliw ko ding pakilala habang nakikipagkamay ako sa kanya.

Yehey may club na ako! Hindi na ako babagsak sa subject ni Mrs. Pascual!

"Teka lang ate sigurado ka ba diyan sa mga pinagsasabi mo? Si Marry Dyesebel ipapasok mo agad sa first six ng team mo?" ---> Peter.

"Marry Dyesebel? Hoy Maria Djessa ang pangalan ko 'no!" ---> Ako.

"Maria Djessa or so-whatever wala akong pakialam basta katunong ng pangalan ni Mama Marry at Dyesebel period!" ---> Peter.

Kainis talagang lalake ito pati pangalan ko gustong baguhin.

"Bakit Peter may angal ka ba sa desisyon ko?" Nakataas ang kilay na tanong nitong si coach Princess.

"Ha? A--ah e... Siyempre ate wala pero di ba parang ang ufair naman ata noon sa iba?" ---> Peter.

Hahahahahahah... Laughtip din pala itong si Peter kapag kausap ang ate niya kasi takot pala siya.

"*kibot balikat* Well wala akong pakielam sa kanila. Besides nakitaan ko agad ng potensyal itong si Djessa imagine mula sa dulong-dulo ng kabilang court napapunta niya yung bola dito sa kabilang court. I think you can be a great player pero bago iyon kailangan mo munang dumaan sa training ko para makontrol mo yang lakas mo kasi kung hindi for sure na laging out ang makukuha nating score." Seryosong sabi sa akin nitong si coach Princess habang naka-cross arms. 

***

"*whistle* Out!" Sigaw ni coach Princess sa akin habang iwinawagayway yung puting flag sa labas nitong volleyball court.

"Masyado kasing pasikat e." Narinig kong bulong nung iba kong mga ka-member.

Alam ko namang maraming teammates ko ang naiinis sa akin kasi hindi nila matanggap na mapapapasok sa first six ang isang baguhang tulad ko.

"Naalala mo yung sinabi ko? Every out na magagawa mo ay katumbas ng 10 kilometers run sa oval!" Then itinuro ni coach yung oval na malapit sa amin.

Kung yung isang bung oval ay equivalent ng 1 kilometer ang ibig sabihin lang noon sampung beses akong iikot sa oval!?! Grabe hindi ko naman pinangarap na maging runner 'no.

Marry Dyesebel Kiss Peter PanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon