***04***

395 15 0
                                    

"O Gina! Bakit may problema ba?" Tanong nitong si kuya Ethan doon sa babaeng nasa may pintuan.

Base sa uniform nitong girl I think HRM ang course niya. Kung HRM siya ang ibig sabihin lang noon magkasama kami sa hospitality department.

"*smile* Ummm... Wala naman. *umiiling* Itatanong ko lang sana kung anong oras ka matapos diyan sa duty mo kasi nagyaya sina Lei na lumabas. You know celebration daw sa pagsagot niya kay Vincent." ---> Gina.

"Ganoon ba? Sige halika na sasama ako sa inyo." Tapos kinuha ni kuya Ethan yung white coat niyang nakasabit sa may swivel chair saka yung bag niyang nakapatong sa lamesa.

"Teka sandali lang!" Pigil nitong si Peter Pan kay kuya Ethan.

"Bakit?" ---> Kuya Ethan.

"Aalis ka? Iiwanan mo itong pasyente mo?" Magkasalubong ang kilay na tanong nitong si Peter bago tumingin sa akin.

"*smile* Di ba magaling ka naman? Tutal ayaw mo ring makinig sa sinasabi ko kaya sige ikaw na lang ang bahala diyan sa girlfriend mo. *wink*" ---> Kuya Ethan.

Bigla na naman akong natulala sa mga narinig ko. Ako daw girlfriend nitong si Peter my love?

"Hoy babaeng Marry Dyesebel wag ka ngang assumera! Never kitang magiging girlfriend 'no!" Tapos bigla na lang niyang inihagis sa akin yung unan na nakapatong sa kabilang kama nitong clinic.

Kahit kailan demonyo talaga ang lalakeng ito.

"Hoy demonyong Peter Pan gamutin mo itong sugat ko tutal ikaw itong nagpaalis kay kuya Ethan." Sigaw ko sa kanya habang ibinabato ko pabalik yung unan na inihagis niya sa akin.

"At bakit ko naman gagamutin yan? Ano ako utusan mo?" Sagot niya habang humihiga sa kabilang kama.

Aba't mukhang naisipan pa ata nitong matulog.

"Hoy Peter! Peter! Peter Torres na kamukha ni Peter Pan!" Sigaw ko ulit sa kanya ang kaso mukhang walang effect kasi nakapikit na ang mga mata niya na para bang natutulog.

"*cough* Uy Peter! *toink* Peter gising!" Tawag ko sa kanya habang sinusundot ko yung tagiliran niya.

Hala mukhang nakatulog na ata talaga itong si Peter. Pero in fairness kagit tulog siya ang gwapo-gwapo pa rin niya. Mas inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya para mapagmasdan ko siya ng ayos.

"Alam mo gwapo ka naman e kasi kamukha mo nga si Peter Pan pero minsan may pagkasademonyo ka lang talaga. Sabihin mo ipinaglihi ka ba sa pagdadalamhati ng mama mo nung ipinagbubuntis ka niya? But in fairness kung lahat ng taong ipaglilihi sa dalamhati ay magiging kasing gwapo mo naku for sure nagkalat na ang mga gwapo sa panahon ngayon." Bulong ko sa kanya habang hinawakan ko yung mukha niya tapos umupo na din ako dito sa konting space sa kamang kinahihigaan niya.

Siguro naman hindi ako maririnig nito kasi mukhang napakahimbing ng tulog niya. Maybe napagod siya sa practice nila kanina.

"Alam mo may secret ako sa'yo." Tapos mas hininaan ko yung boses ko para masigurado kong walang makakarinig. "Crush kita matagal na. Third year high school ako ng makilala kita. Maybe you don't remember me kasi sino nga ba naman ako? I'm just a high school student from Fujihama University pero simula nung time na sinalo mo yung serve ko feeling ko bigla na lang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. That day I'm sure with myself that I like you. Naisipan ko pa ngang mag-transfer dito sa R.A. para masundan ka ang kaso hindi ako pinayagan ng parents ko kasi isang taon na lang daw naman at gra-graduate na ako. Haaay... Para na akong sira dito na kumakausap sa isang taong tulog na sigurado namang hindi maririnig ang mga pinagsasabi ko." Sabi ko pa ulit bago ako tumayo pero bigla na namang napukol ang tingin ko sa napaka-kissable lips niya then all of a sudden I felt my lips into his lips.

Marry Dyesebel Kiss Peter PanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon