***06***

387 18 0
                                    

"P-pwede bang wag ka ngang assuming? Hindi mo ako katulad na hindi marunong humalik. Oo first year college pa lang ako kaya medyo bata pa ako pero sa tingin mo ba wala pang lalakeng nakahalik sa akin nung high school ako?" Medyo nagmamalaking tanong ko sa kanya.

Ayaw ko ngang isipin niyang manang ako tutal sa panahon naman talaga ngayon marami ng kabataan ang nai-involve sa kissing secene at pre-marital sex.

"Kung ganoon may mas naunang humalik sa'yo kesa sa akin?" Magkasalubong ang kilay at medyo galit na tanong niya sa akin.

Grabe nasapian na naman ata ng demonyo itong si Peter Pan my love kasi mukhang any moment sasabog na siya sa sobrang galit.

"Ha? Ah e... *bite my lower lip* Siyempre naman at hindi lang isa!" Sagot ko sa kanya habang naka-cross finger ako.

Naku Lord alam ko pong isang malaking kasalanan ang pagsisinungaling pero kinakailangan ko po talagang gawin ito dahil kung hindi pagtatawanan ako nitong lalakeng kaharap ko ngayon.

"*confused* Kung ganoon ilang lalake na ang nakahalik sa'yo?" Seryosong tanong niya habang inilalapit na naman niya sa akin ang mukha niya.

Naku ilan nga ba? Hindi ko naman pwedeng sabihing isa kasi malalaman niyang siya lang yun at wala ng iba.

"S--sampu! Tama sampu na ang nakahalik sa akin!" Pagmamalaki ko ulit habang ipinapakita ko sa kanya ang sampung daliri ko.

Nagulat na lang ako ng maging 10 times ang pagkakunot ng noo niya tapos mas naging mukha siyang monster as in mas nakakatakot pa siya Sadaku then ikinuyom niya ng sobra-sobra yung kanang kamao niya bago niya iniharap sa akin na para bang susuntukin niya ako.

Wait lang susuntukin niya ako!?!

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Malakas kong tili habang papalapit ng papalapit yung kamao niya then...

*bugsh*

Itinuloy nga niya... Sinuntok nga niya...

Yung pader.

"Aish!" I heard him murmured.

"Hala nagdudugo yung kamay mo!" Nag-aalala kong sabi bago ko hinawakan yung nagdudugo niyang kamao na ipinansuntok dito sa pader.

"Wag mo nga akong kapitan!" Sigaw niya bago tinabig yung kamay ko tapos padabog niyang sinara yung pintuan nitong rooftop bago siya bumaba.

"Eh? Anong problema noon?" Natanong ko na lang sa sarili ko nung makababa na si Peter.

Para kasing baliw bigla-bigla na lang susuntukin yung pader. Anong akala niya sa sarili niya si Incredible Hulk?

"Alam mo Miss I think nagselos yung boyfriend mo kaya niya sinuntok yung pader." Sagot nitong babae mula sa likod ko.

Teka lang paano nagkaroon ng babae dito? Wag ninyong sabihing may multo sa rooftop nitong auditorium building?

Dahan-dahan kong inikot ang likod ko para makilala kung sino mang nilalang ang bigla-bigla na lang kumakausap sa akin.

"AHHHHHHHH!!! WHITE LLLLLAAAAADDDDDDDDYY!!!!" Malakas kong sigaw dito sa babaeng kaharap ko.

"Tsss.. Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa sa white lady?" Tanong sa akin nitong girl.

Well I think hindi naman talaga siya white lady well asides sa napakaputi niyang kutis. Medyo bata pa itong girl sa harapan ko and base sa uniform na suot niya estudyante siya from high school department.

"Ummm... Kanina ka pa ba dito sa rooftop?" Tanong ko sa kanya nung maging kalmado na ako.

"Yeah... Actually kaninang-kanina pa talaga ako dito simula pa nung may girl na bigla-bigla na lang umiiyak habang nagwawala." ---> Siya.

Marry Dyesebel Kiss Peter PanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon