***10***

379 15 0
                                    

"Pwede ba inaatake ka na naman ng pagka-manang mo e. Sige mamimili ka ang isuot yan o ang agawin nila sa'yo si Peter Torres mo?" ---> Star.

Haaay... Naku mukhang wala nama ata akong mapapagpilian doon ah. Pero in fairness to Star kasi ang galing niyang pumili ng swim suit na babagay sa akin kaya naman talagang nagpapasalamat akong siya ang nakasama ko dito sa kwarto.

"Kung hindi ka pa sanay na ipakita ang kabuuan mo pwede mo naman itong ipatong diyan e." Tapos may inahagis siya sa aking mahabang black t-shirt na mukhang net ang tela.

"Ano ba itong t-shirt na ibinigay mo sa akin? Bakit butas-butas?" ---> Ako.

"Ano ka ba yan ang uso ngayon lalo na kapag naka-swim suit. Teka mukhang may kulang pa sa'yo wait mo ako dito!" Tapos may kinalkal siya doon sa bag niya na ipinasuot na naman niya sa akin.

"Star ano ba itong mga pinaggagawa mo sa akin mukhang pinaglalaruan mo na ata ako e." Reklamo ko sa kanya.

"Ayan perfect na ang itsura mo!" Nagnining-ning ang mga matang sabi niya sa akin habang pinagmamasadan na naman ako mula ulo hanggang paa.

Agad ko namang tinignan ang sarili ko sa salamin at mukhang pati ata ako hindi ko nakilala ang sarili ko.

"A--ako ba talaga ito?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko habang nakatingin ako sa reflection ko.

Nilagyan kasi ako ni Star ng konting baby powde para hindi daw mag-oily ang face ko tapos inulugay din niya ang buhok kong hanggang bewang then pinasuot niya ako ng malaking sumbrero at shade.

"Wow girl ngayon ako na mismo ang nagsasabing bagay na bagay sa'yo ang title na Marry Dyesebel! Sing inosente mo kasi Mama Marry na ngayon ay dyosa na ng kagandahan na si Dyesebel! For sure girl talbog na talbog ang lahat ng girls sa beach dahil sa kagandahan mo! Parang bigla tuloy akong nagsise kung bakit pa kita inayusan." ---> Star.

"Naku ikaw talaga Star binobola mo pa ako e. Halika na nga lang sa labas para makapag-practice na tayo." Yaya ko sa kanya bago ko siya hinatak palabas ng kwarto namin.

Peter's POV 

"Whoa bro si Djessa ba talaga yung babaeng kasama ni Star?" Narinig kong tanong nitong mga barkada ko habang lumilingon doon sa dalawang babaeng naglalakad palapit sa amin.

Djessa daw? As in si Marry Dyesebel? Tinitigan ko ng mabuti yung sexy na babaeng katabai ni Star na nakasuot ng pulang swim suit. Grabe talo ang model ng FHM dahil sa sobrang sexy at kinis ang kaso parang may kulang... Parang ang baba ng dibdib niya. Wait flat chested? Kung ganoon si Marry Dyesebel nga siya?

"O ano boys gulat kayo sa kaibigan ko 'no? Ako yata ang nag-make over diyan!" Pagmamalaki sa amin nitong si Star nung makalapit na sila sa amin.

Sa unang tingin hindi ninyo talaga agad makikilala itong si Marry Dyesebel kasi nakakapanibago yung itsura niya lalong-lalo na yung buhok niya. Nasanay na kasi akong laging nakataas ang buhok niya lalo na kapag naglalaro siya ng volleyball.

"*whistle* Ano kumpleto na ba tayong lahat dito?" Tanong sa amin ni coach Drew at ng ate kong si Princess.

"Yes coach!" Sabay-sabay na sagot namin.

"Mabuti kung ganoon. This year napagdesisyunan namin ni coach Princess na pagsamahin ang volleyball boys at volleyball girls which only means na hahatiin namin kayo sa bawat grupo. Apat na grupo ng girls at apat na grupo ng boys." ---> Coach Drew.

"At dahil twelve lang naman ang bilang ng bawat team natin ibig sabihin lang magsasama yung tatlong players ng girls at tatlong players ng boys. Over all we're going to have a four teams. Now count yourself one to four." Utos ni ate bago kami nagsimula sa pagbibilang.

Marry Dyesebel Kiss Peter PanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon