Blake's POV
Sasabihin ko na sana kay Kleinn na ako ang magiging boss nya kaso nga lang ay biglang lumabas si Xander.
"Oh pre! Mukhang nagkakamabutihan kayo ni Kleinn ah? Ayos na ba kayo?" Tanong nito, kakatanong lang nya kanina bago kami umalis di pa din ba nya naiintindihan.
Nakita ko naman na pinagmamasdan nya ang tiyan ni Kleinn! Ano toh? Pinag nanasaan nya si Kleinn? No! Hindi pwede!
Magsasalita na sana ako kaso bigla naman syang nag salita.
"Kleinn?" Pagtawag nya dito. "Buntis ka? Kailan pa? Sino ama?" Sunod sunod na tanong nito.
Natawa naman ng bahagya si Kleinn sa kanyang narinig.
"Well, sino pa ba? Eto oh" sabay turo sakin.
Ang sarap lang pala sa feeling na magiging tatay ka na? She doesn't know How much I want to be a father and how happy I am now!
Gagawin ko ang lahat para maging maayos na tatay sa magiging anak namin.
Sakto naman at lumabas na ang dalawa kaya nagpalit na rin kami ni Kleinn ng damit.
Nandito na kami ngayon sa baba sa may beach. Ang saya saya dito! Si Szammie at si Xander na kanina na aakalain mong strangers ngayon ay parang pinag dikit na dahil hindi nagkakahiwalay.
Habang si Sam naman ay kasama namin ni Kleinn.
"Babe halika dito! Gawa tayo sand castle!" Sabi nya sakin.
"Wait lang babe hintayin mo ko dyan!" Sigaw ko dahil nandito ko sa may halos kalahati ng dagat. Habang sya ay kasama si Samantha na masayang nakikipag usap sa may buhanginan.
Pagkarating ko doon ay nakahanda na ang gagamitin namin na gamit para maka gawa ng sand castle.
Nagsimula na kaming gumawa habang tinutulungan kami ni Sam.
Natapos namin matapos ang sand castle na ginawa namin ng maayos.
"Babe? Dito na tayo titira gusto mo?" Tanong ko kay Kleinn.
"Kung pwede ba eh?" Tanong nito pabalik sakin.
"Pwede naman basta tayong dalawa lamg eh." Sabi ko sabay kindat.
Natawa naman si Kleinn kaya napatawa rin ako dahil sa halakhak nya.
"Ehem!" Pekeng pag ubo ni Sam.
Napatitig naman kami sa kanya.
Nginitian nalang namin sya.Ang weird kasi nya!
Gusto kong mag Jetskie kaya naman ay inaya ko si Kleinn.
"Kleinn, Jetskie tayo please?" Pagmamakaawa ko sakanya.
"Babe naman! Alam mo naman na baka makasama yan sa baby namin." Sabi nito.
Oo nga pala buntis sya? Bat nawala sa isip ko yun.
"Blake ako nalang? Kung okay lang kay Kleinn?" Pagpriprisenta ni Sam.
Kung papayag si Kleinn ay okay lang sakin. She's a friend of Kleinn and also mine.
Tumango si Kleinn kaya sinama ko na si Samantha sa pagje-jetskie.
Kahit na gusto ko talaga na si Kleinn ang kasama ko, nakakahiya naman kung tatanggihan ko sya.
Sinimulan ko na ang pagpapa-andar ng jetskie. Mabagal bagal lang muna ang pag papa andar ko. Maya maya pa ay na bored na ako sa bagal, kaya naman naisipan ko na pabilisin ito.
Para mas masaya ay pinuntahan ko ang medyo may kataasan na alon.
Nang mapabilis ko na ang pagpapa andar ay nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Samantha.
What's with her?
Siguro natakot lang dahil mabilis.
Napatingin naman ako sakanya at nakita ko syang naka ngiti.
"Blake, I'm scared." Sabi pa nito pero mahahalata mo sa boses ang tono ng pang malandi.
Scared? Pero nakangiti?! Tsk, palusot!
Hindi nalang ako umimik at binagalan nalang ang pagpapatakbo hanggang sa makarating na kami sa kinaroroonan ni Kleinn.
Makikita mo naman sakanyang mukha na nakasimangot ito. Nag seselos ba sya? Bakit?
Napatingin naman ako sa bewang ko hindi ko namalayan na nakayakap pa pala si Samantha sakin.
Bahagya akong napatingin sakanya kaya tinanggal na nya ang nakapalupit na kamay nya sakin.
Nandito na kami ngayon sa tapat ni Kleinn.
"Mukhang nag enjoy kayo ah?!" Tanong nito and then she smirked. Mahinahon pero malalaman mo na medyo may pagkagalit sa kanyang tono.
"Yes!" Masayang sabi ni Samantha.
Sya nag enjoy, eh ako? Tsk.
Dahil sa naiinis na ako at ayoko ng pag usapan pa ulit ito ay iniba ko nalang ang topic ng pinag uusapan."Ahh, BTW Kleinn? Did you see Szammie and Xander?" Tanong ko nalang.
"Ayun oh!" Sigaw nito sabay turo sa dalawa na naghahabulan sa tubigan.
Tumakbo na kami papunta sa kanila at naiwan lang si Samantha na nakatayo roon.
Nang makalapit na kami sa dalawa ay napatingin sila samin kaya naman napatigil sila sa paglalandian nilang dalawa, Este sa ginagawa nila.
Pinuntahan nila kami tsaka kami naupo sa tabi ng dagat.
"Mukhang nagkaka mabutihan na kayo Szammie ah?" Pabirong tanong ni Kleinn.
"Ah-eh, ano kasi, siguro Hahaha!" Sabi nito na pakamot pa sa kanyang batok at tumawa.
"Eh ikaw Xander? It looks like na gusto mo si Szammie?" Tanong ko. "Tutulungan kita dyan pre!" Sabi Ko sabay tawa.
"Ano ka ba Blake Ezekiel Gallardo!" Sabi nito sabay tawa, tumawa rin kaming tatlo.
"Wow ha?! Talagang kailangan buong pangalan ko pa?" Tanong ko na ikinatawa ng lahat.
"Syempre pre! Para dama mo!" Sagot nito.
"Ah, Kleinn? Asan nga pala si Samantha? Diba kasama nyo lang sya kanina?" Tanong nito kay Kleinn.
"Ah, nandun sya! Akala ko susunod samin eh, baka ginagawa nya yung sand castle!" Sagot ni Kleinn kay Szammie.
"Tara puntahan natin sya! Lonely na yun for sure!" Sabi ni Szammie kaya pinuntahan na namin si Samantha.
Pero nung sinabi nya yun ay may kakaiba akong naramdaman, para akong nakaramdam ng takot at kaba.
Ano bang meron dun?
Nung una ko naman syang makita ay ang first impression ko sakanya is mabait at mahinhin pero kasi ngayon iba eh.
----
TBcWhat do you think?
Dun sa mga susunod na chapter magready na kayo!!
Thanks for reading!
Vote and Comment!!
BINABASA MO ANG
Destined For Each Other
Roman d'amour{Highest Rank achieved: #480 in Romance} "Because I know we are Destined for each other."