Ulan

32 2 1
                                    



naaala mo pa ba?

  mga ulan na ating pinag saluhan?
Nagtatampisaw at sumasayaw sabay sa ihip ng hangin.
Hindi pansin ang lamig at sipon na aabutin.
Giliw, sabay pa nating dinaramdam ang mga sakit na ating inabot.
Tawanan lamang ang ating narinig sa kabila ng mga patak ng ulan na nagmumula sa langit.
Ngunit anong nangyari? Bumugso ang ating mga luha kasabay ng mga patak ng ulan na ating ninanais.
Akala ko ba'y hindi tayo bibitaw? Sa ulan na ngayo'y napalitan na nang tagtuyo't araw.
Aking napansin na lamang na ang dating ulan ay naging tag-init.
Hanggang sa nawala na ang mga patak na ating inibig.
Hanggang sa nawala na ang
pag-ibig nating kailanman ay hindi ko akalaing mawawala't magiging hangin na lamang
patungo sa langit.
Hanggang sa lahat ay tuluyan na lamang nawala.
At sa ngayon ay aking napagtanto
Na ang pag-iibigan ay sumiklab sa tagtuyot at hindi kailanman sa tag-ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A poet's tearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon