PAALALA: May mga di kanais- nais na salita kaya sa mga makakabasa pagpasensyahan nyo na po. Salamat sa pang-unawa. Sa mga bata wag pong gagayahin.Enjoy reading..
--
TOK!!! TOK!!! TOK!!! TOK!!!
Sino ba yung katok ng katok gigibain ata ang pintuan. Makapal siguro kalyo nun sa kamay at likod ng daliri hindi nasasaktan e. Si Wolverine ata yun ah!
"ANO BA SAYSAY GIGISING KA BA O SISIRAIN KO TONG PINTO!!!!"
"SINONG MAY SABI SAYO MAGLOCK KA NG PINTO HA!!!!"
Hala! Si mama yun ah Yari na! Nilock ko ba yung pinto? Ay oo nga pala sumayaw pala ako kagabi kaya nilock ko yung pinto. Iniimagine ko kasi na kasali ako sa girl group at ako ang leader. Hihi!
"SANDRA SYLIN!!!"
Hala! Galit na sya
Dali dali akong bumangon habang kusot kusot ko ang dalawang mata ko
Alangan naman na tatlo ang mata syempre dalawa. Wala naman ako third eye.Nagderetso ako sa pintuan at hinawakan ang doorknob nagsign of the cross muna ako bago pihitin ito.
Kitang kita ko si mama na nanlilisik ang mata at umuusok ang ilong."ANO PAPASOK KA BA O MATUTULOG NA LANG, UNANG ARAW NG PASUKAN TAPOS MALELATE KA? ABA!!!" Sigaw ni mama
"Ah -eh papasok po" nakatungong sabi ko.
Ano ba yan! May nabili ba si mama ng buy one take one na Megaphone grabe sa lakas ng boses, abot hanggang sa kapitbahay ng kapitbahay at sa isa pang kapitbahay ng kapitbahay. Ganun kalakas.
"ANONG BINUBULONG -BULONG MO DYAN HA?!!"
"A-ah w-wala po, sabi ko po maliligo na ko at malelate na po." sabi ko. Tatalikod na sana ako ng..
"OY! OY! SANDALI! BAKIT KA NGA PALA NAGLALOCK NG PINTO DIBA SABI KO WAG KAYO MAGLALOCK, BAKA KUNG ANO PINAG-GAGAGAWA MO DYAN!!" sigaw ni mama habang nakapamewang.
"A-aah Napindot ko lang po ata kagabi Ma! akala ko kasi ano..Yung ano ah - ano..nay! Yun na yun." Pahinang pahinang sabi ko.
"Ayshasha! Maligo kana bilisan mo at baka malelate pa kayo!" tinalikuran ko na si mama at nagpunta na ng cr.
"Grabe talaga si mama. Hindi ba napuputol litid nun kakasigaw sa umaga" mahinang bulong ko.
Binilisan ko nang kumilos, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at naghanda ng gamit. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan. Dumeretso na ako sa hapag kainan at nakita ko si Kuya at si bunso.
"Morning kuya Sean" niyakap ko si kuya.
"Ano ba Sassy magugusot uniform ko" reklamo ni kuya.
"Arte naman neto!"
"Morning Sien" kinurot ko sa pisngi ang bunso naming si Sien na limang taong gulang.
"Araawwchh naman ate!"
"Ay Sorry"
Bakit ba ang iinit ng mga ulo nito. Badmood Day ba ngayon?
Umupo na ako sa tabi ni kuya na kaharap si Sien. Lumabas si mama galing sa kusina na may dalang tray na ang laman ay apat na baso para sa tubig at apat na tasa para sa gatas namin nina Sien at kuya at kape kay mama. Umupo na din si mama sa tabi ni Sien para alalayan ito sa pagkain.
"Bilisan nyong kumain at malelate na kayong dalawa sa pagpasok" sabi ni mama sa amin dalawa ni kuya.
"Ah Ma! si papa po ba ay tumawag na? " tanong ko may mama.
Bakit kaya di pa natawag si papa? Nangchichix siguro yun kaya di natawag. Lagot naman sya kay mama kapag ginawa nya yun baka maratrat sya ng wala sa oras hahaha!
Si papa ay nasa Korea dun sya nagtatrabaho Half Korean and Half Filipino sya. Yung lola namin ang korean at ang lolo namin ang pilipino. Bale mga magulang sya ni papa. Kaya ganun.
Pinaliwanag ko lang. Bakit ba?
"Tumawag sya kagabi kausap ang kuya mo at si She-she" sabi ni mama habang humigop ng kape
"Holooh! Amndhaya nomon bookeeet di nyoo koo tinoowoog.. chomp! chomp!" pagmamaktol ko habang may laman ang bibig.
"Ano ba! tumatalsik yung laman mo sa bibig dito sa pagkain ko kadiri ka!" sabi ni kuya habang nakatakip ang dalawang kamay sa plato nya.
"SaySay ubusin mo muna ang laman mo sa bibig bago ka magsalita." si mama.
Ano ba yan si mama bakit ba SaySay ang binigay na nickname sakin ang panget kaya. Tapos kay Sien 'She-she' at kay kuya naman Sean parin. May problema ata si mama sa letter S . Baduy naman ni mama.
"Eh ate kinakatok kita kagabi hindi ka naman naimik akala ko tulog kana e." maliit na tonong sabi ni Sien.
"Tsk! Bakit ba di ko narinig yun. Sayang may sasabihin sana ako kay papa, di bale na next time nalang" mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Tara na Sassy. Malelate na tayo" aya ni kuya.
Tumayo na kami ni kuya at nagpaalam na kay mama at kay Sien.
Naglakad lang kami ni Kuya Sean palabas ng subdivision kasi malapit lang naman bale apat na bahay lang ang madadaanan namin. Tsaka exercise na din sabi ni mama. Hindi kami pinagmotor ni mama kahit may motor kami. Kasi daw para ganahan daw kami sa unang pasok. Arte talaga ni mama daming learn ah!
Nagtaxi kami ni kuya papuntang school. Pagkarating namin ay nagpaalaman na kami ni kuya kasi sa kabilang building pa ang kay kuya yung college building.
"Oh! Sassy goodluck sa firstday. Wag makulit ha. Susumbong kita kay mama kapag may ginawa ka na naman na hindi maganda." habilin ni kuya.
Epal talaga ni kuya -_- lagi nagsusumbong wala naman ako ginagawang masama.
"Oo na umalis kana! sumbungero kalang e.Bye!" nakasimangot na sabi ko.
"Bye! Hintayin kita dito mamaya kapag nauna ako pero pag nauna ka intayin mo ako. Wag ka aalis agad. Dapat sabay tayo umuwi lagot tayo kay mama kapag hindi.Sige ka!" mahabang sabi nito. Ginulo pa ang buhok bago ito umalis.
Trip nun palagi buhok ko, bakla ata si kuya. Hala! ° o °
Inismiran ko lang si kuya at tinalikuran na.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong nasa unahan ko kaya dali dali akong naglakad at sumigaw...
Waaaaaahhhhhh!!!!!
BINABASA MO ANG
My Wacky Sassy!
Novela JuvenilHYPER? ✔ CRAZY? ✔ SILLY? ✔ WITTY? ✔ PILOSOPER?✔ Isang tao lang ang may ari ng ugaling yan. Walang iba kundi si...... ......Sandra Sylin Cervantes.