Chapter 2

96 3 0
                                        


"Waaaaaahh!!!! Yeeeeennnna!!!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya.

Lumingon ito at ang mga kamay ay nakatakip sa tenga habang nakapikit pa ang mata papaharap sa akin. Halatang nainis sa ginawa ko hahaha sorry naman!

"Uy, Yena pang-asar ka ah, anong itsura yan?"

"Sassy naman kasi nakakagulat ka babasagin mo ata ang eardrums ko e"

"Pano kasi ang bilis mo kaya maglakad, tatlong hakbang ko isang hakbang mo lang e. May hinahabol ka ba?"

"Meron"

"Meron? Bah sino naman yan?"

"ORAS!"

"Oras ang hinahabol ko at 5minutes nalang late na tayo kaya tara na" hila sa akin ni Yena. "Tsaka diba sabi ko sayo wag kang sisigaw naalala mo ba dati nung sumigaw ka? Pinatakbo tayo sa field baka maulit ulet e ayoko na." Ayaw talaga nitong tumakbo kasi sumasakit daw yung ano nya. Hahaha yung siopao daw.

Para takbo lang sarap kaya tumakbo hahaha. Sabi ni mama nakakabawas daw ng calories ang pagtakbo tsaka nakapag papanatiling matalas ang isip at magkakaroon ka daw ng magandang mood sa umaga.

Daming alam ni mama noh? Pero yung mga sinasabi ni mama minsan di ko na-aaply sa sarili ko minsan lang kapag kinakailangan ang weird din kasi ng mga sinasabi ni mama e, pero wag ka! Ang ganda kaya ni mama.

Share ko lang bakit ba?

"Tsaka tignan mo oh! Nakatingin sa atin ang mga yan akala ata may sunog." turo nya sa mga estudyante.

"Di kaya! hahaha tsaka sanay na yang mga yan!"

Nagmadali na kaming maglakad ni Yena para makarating sa classroom.

Room 222

Pag enter namin ng room ay napansin namin si miss na kakapatong lang ng kanyang dala na board marker, eraser at isang pirasong paper card. Napatingin ito sa gawi namin at masamang tumingin.

Shet terror amp!

" Both of you are late!" mabagal pero may diin ang pagkakasabi nito.

"Miss S-sorry po" nakatungong sabi ni Yena.

Late daw? patawa din tong si miss e. May 1minute pa kaya.

"Hehehe! miss advance po ata ang relo nyo. 8:59 lang po oh! " sabi ko habang nakatingin sa relo ko.

"Ano? Aba nagdadahilan ka pa." inis na sabi ni miss.

Di kaya, nagsasabi lang ako ng truth bawal daw magsinungaling sabi ni papa god.

"Kapag nasa room na ako at wala pa kayo ibig sabihin late kayo! at kapag late kayo sa class ko wag na kayong sumubok pumasok pa at makakaabala kayo sa klase ko. My Class, My Time, My Rule." Baling nito sa ibang estudyante at tsaka sa amin.

Okay! Sabi mo e. Kaya ikaw masusunod at wala na kaming magagawa.

Palusot din tong si miss e.

"Kayong dalawa!" Turo nya sa amin. "take your seat. Ayoko na ulit na makikita ko kayong late. Naiintindihan nyo?" sabi nito.

"Yes miss!" nahihiyang sabi ni Yena at masigla naman sabi ko. Hahaha trip lang ba't ba?

Terror pa ang first class.Tsk!

Naglakad na kami ni Yena sa bandang likuran kasi wala ng vacant sa unahan kaya no choice. Hindi pa kami nakakaupo ng tuluyang magsalita ulit si miss.

My Wacky Sassy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon