Chapter 3

104 8 1
                                        


"Hi I'm Yenessia Gomez just call me Yena."

Hehehe my turn na ^^

Confident akong tumayo at ngumiti ng pagkalawak lawak. Nilibot ko muna ang mata ko sa buong room at nakatingin sa akin lahat ng mga classmate ko maliban sa isa! Walang iba kundi yung katabi kong poging singkit na masungit. Hindi ko nalang sya pinansin at nagsalita na ako.

"Helloww ^^ I'm Sandra Sylin Cervantes. not Sandara but Sandra =] not Celine but Sylin ^.° it's capital S.Y.L.I.N ! anyway just call me Sassy " sabi ko sabay kindat then upo.

Oh diba? Pak na pak ang introduce ko. Lininaw ko lang, kasi yung iba tinatawag akong Sandara. e hindi naman ako yun. Ano ako? Si Sandara Park? Tapos yung iba Celine pa. Sabi na ngang hindi ako si Celine Dion. Sylin nga kasi. Kasalanan to ni mama e ang dami pang arte sa pangalan. Pwede naman na dalawang letter nalang ipangalan sakin para tipid sa tinta ng ballpen diba? Haynaku!

Tumayo ang katabi ko then..

"Viggo Franco Costa" sabay upo.

Yun na yun? Wala man lang kaeffort effort na mag hi o hello man lang?

Maya maya pa ay narinig ko na naman ang mga bulungan at tilian sa room.

"Omaaaghhaaad! ang cool ng name nya"

"kyaaahh! ang hot ng name"

Anubayan! Landi mode on na naman ang mga babae dito. Simple lang naman magpapakilala ang kumag na to pero ang lakas na ng dating sa kanila.

"Uy ang pogi nya noh?" bulong ni Yena sa akin.

Isa pa to!

"Pogi nga. Ang sungit naman"

"Parang di naman. Paano mo nasabi?"

"e kasi kanina nanghihingi ako ng tskokolate di ako pinapansin"

"Ayy Grabe ka talaga noh!? Hindi ka manlang nahiya? Kahit sino talaga kinakausap at hinihingian mo"

"Hala! Ba't naman ako mahihiya wala naman ako ginagawa ah"

"Duh sassy! malamang nawirduhan sayo yun kaya di ka pinapansin. Ikaw ba naman na hingian ng tsokolate. Eh hindi naman kayo close. Bakit close ba kayo?"

" Hindi."

"Yun naman pala e"

"Ah basta masungit sya! sarap pektusan e"

"Sabihin mo hindi ka lang sanay na may nagsusungit sayo na lalaki haha"

Ting! may naisip ako.

"Yena sa may kabilang hagdan tayo dumaan mamaya kapag breaktime ha?"

"Bakit? Edi napalayo tayo nyan"

"Ahh kasi.. para maiba naman lagi nalang tayong dumadaan dun e"

Matapos ang Introduce yourself kyeme sa TCS at History subject ay Breaktime.

"Yahoooo!!" tinaas ko ng pagkalawak lawak ang dalawang braso then biglang *toink

"Ayy sorry mister"

Agad agad kasing tumatayo yan tuloy tinamaan. Bwahaha ang bad ko, joke lang!

Hala!Tinaasan nya ba ako ng kilay?
Nevermind.

"Sassy tara na" aya ni Yena na tumayo at naglakad palabas ng classroom.  Nagmadali na akong tumayo at sumunod sa kanya.

"Hoy! diba dito tayo dadaan"  pagpigil ko kay Yena

"Anubayan! Akala ko nakalimutan mo na. Ang layo kaya kapag dyan dumaan papuntang canteen. Bakit ba gusto mo dyan dumaan ha?"

Sasabihin ko ba ang dahilan ko? Wag na nga baka magbago pa isip nito.

"Umo-o kana kaya walang bawian"

"Wala naman akong maalala na umo-o ako ah"

"Wala ba? Ah basta, silence means Yes! Kaya tara na" hinila ko ito para masiguro na susunod sakin.

"Tsk! Pauso ka kahit kailan noh?  May maisipan ka lang talaga" may halong inis at pagkatamad na sabi nito.

Tamad naman neto!

"Bakit ba hindi pumasok si Beks ako tuloy naaagrabiyado at napapahiya sayo e.Una sisigaw nalang basta, pangalawa chichikahin at kokotongin ang hindi naman ka close tapos ngayon sa pinaka- malayong  way dadaan. " walang tigil sa kakareklamo ni Yena

Ang hard naman nito! Agrabyado agad hindi ba pwedeng no choice lang? Ha Ha Ha!

"Kung maka agrabyado word ka ah! Maglakad ka nalang dami mo pa sinasabi e. Gutom na ko" sabi ko

"Gutom kana pala tapos dito mo pa naisipan dumaan. Naturnilyo mo ba ng ayos ang utak mo kanina bago ka pumasok? Baka naman hindi at aayusin natin bago pa tayo makarating sa canteen at kung ano na naman maisipan mong gawin dun."

"Dami mo naman agad nasabi bilisan mo nalang kaya maglakad puro ka reklamo e."

Lakad..

Lakad..

Lakad..

"Hi Sassy, how are you?"

"Hello Yena"

Gotcha!

"Oh Luke ikaw pala. Ayos naman"

"Tsk! Kaya pala" bulong ni Yena.

si Luke na may crush sakin simula second year high.  May itsura at mabait  pero di ko sya type. Bakit ba? sa hindi ko sya type e tsaka crush lang naman nya ako at hindi manliligaw. OA kayo ha? Bawal pa yun lagot tayo kay mama. hahaha!

"I brought some chocolate for you hope you like it."

Hehehe! Ito talaga ang plano ko e kaya dito dumaan dahil sa chocolate ni Luke. Secret lang ha? Pagbigyan nyo na ako ngayon lang naman.

"Ohh! Nag abala ka pa. Salamat ha alam na alam mo ang favorite ko hehehe."

Pakipot kunwari.

"No prob! By the way what are you doing here?"

"Dito kasi kami dumaan papuntang canteen dami kasi dumadaan doon sa kabilang hagdan e."

"Ah Okay, Take care, bye sassy, bye Yena"

"Salamat ulit dito ha! Bye."

Oh diba? Instant chocolate. Ang galing ko talaga. Bravo!

*Toink*

"Aray Ha!" binatukan ba naman ako ni Yena.

"Yun! may nalalaman pa na maiba naman kuno chocolate lang pala ang gusto." asar ni Yena

"Alam mo naman na hindi kumpleto kain ko kapag walang tsokolate e."

"Oo na! dami mong naiisip e."

"Iba talaga kapag maganda"

"Oh? Anong konek?"

"kasi may chocolate Hahaha"

"Tara na nga. Gutom na ko e. Bigyan mo ko nyan ha yung may almond ang gusto ko."

"Reklamo ka pa ng reklamo Makikinabang ka din pala"

Woah! Anlayo pala talaga kapag dito nanggaling buti nalang hindi dito ang room namin kundi araw araw mong maririnig ang reklamo ni Yena.

---

@srhmsnjn

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Wacky Sassy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon